A place full of sadness, wrath, frustrations, vengeance, love and hope. A place for my unwanted body. A place for my perplexed mind. A place for my wandering soul. A place for my wretched existence. A battlefield for my multiple personalities.



Tuesday, November 02, 2010

Oh Marenariello

I have but one heart
This heart I bring you
I have but one heart
To share with you

I have but one dream
That I can cling to
You are the one dream
I pray comes true

My darling until I saw you
I never felt this way
And nobody else before you
Ever has heard me say

You are my one love
My life I live for you
I have but one heart
To give to you

You are my one love
My life I live for you
I have but one heart
To give to you

Tuesday, October 05, 2010

Kung Ibig Mo Akong Makilala

Kung Ibig Mo Akong Makilala
ni Ruth Elynia S. Mabanglo, PhD

Kung ibig mo akong makilala,
lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat,
ang titig kong dagat—
yumayapos nang mahigpit sa bawat saglit
ng kahapon ko't bukas.

Kung ibig mo akong makilala
sunduin mo ako sa himlayang dilim
at sa madlang pagsukol ng inunang hilahil,
ibangon ako at saka palayain.

Isang pag-ibig na lipos ng lingap,
tahanang malaya sa pangamba at sumbat
may suhay ng tuwa't ang kaluwalhatia'y
walang takda—
ialay mo lahat ito sa akin
kung mahal mo ako't ibig kilalanin.

Kung ibig mo akong kilalanin,
sisirin mo ako hanggang buto,
liparin mo ako hanggang utak,
umilanlang ka hanggang kaluluwa—
hubad ako roon: mula ulo hanggang paa.

Tuesday, September 21, 2010

Pulo sa Talisay

Kindheit
by Rainer Maria Rilke

It would be good to give much thought, before
you try to find words for something so lost,
for those long childhood afternoons you knew
that vanished so completely -and why?

We're still reminded-: sometimes by a rain,
but we can no longer say what it means;
life was never again so filled with meeting,
with reunion and with passing on

as back then, when nothing happened to us
except what happens to things and creatures:
we lived their world as something human,
and became filled to the brim with figures.

And became as lonely as a sheperd
and as overburdened by vast distances,
and summoned and stirred as from far away,
and slowly, like a long new thread,
introduced into that picture-sequence
where now having to go on bewilders us

########################################
Let me take you down, 'cause I'm going to Strawberry Fields.
Nothing is real and nothing to get hung about.
Living is easy with eyes closed, misunderstanding all you see.

Para sa aking isla, sa aking lawa, sa aking punong mangga.

Wednesday, September 15, 2010

Draft H

Hero,

Nakakatawang isipin kung paano ko ipino-project sa ibang tao, bagay at lugar ang pagmamahal na sana'y para sa iyo. Ilang beses ko nang sinubukang iaalay ito subalit ayaw mo namang tanggapin. Noong pumunta ako sa Cebu nitong nakaraang araw ko lamang napagtanto na may ganito pala akong paraan ng pagmamahal sa iyo. Isa sa mga maraming paraan.

Sa isipan ko ay gumagawa ako ng isang kwentong isinasabuhay sa iba't-ibang lalaking nakikilala ko. Ito lang ang tanging paraan upang mailabas ko ang pagmamahal ko. Ang paglalambing ko.

Ito ang kwento nating dalawa. Ang kwento ng ating pag-iibigan. Kung mabibigyan mo lamang ako ng pagkakataon..

Monday, August 23, 2010

Spurned Parcel

Hero,

Bata pa lamang ako ay nandiyan na sya. Hindi ko pa alam kung ano ang pangalan nya noon. Ang naaalala ko lang ay madalas syang tinitingnan ng mga kamag-anak ko pero wala akong pakialam dahil akala ko ganoon rin sila. Isang araw ay namulat na lang ako sa malungkot na katotohanan na iba pala sya. Natatakot syang mapagtawanan ng iba kaya gumawa kami ng isang makapal na kanlungan kung saan kami lamang ang magkasama. Walang ibang pwedeng pumasok. Hanggang sa dumating ka. Tinanong mo ako kung anong pangalan nya subalit hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa'yo. Kahit ako ay hindi rin alam kung sino sya.

Hindi ba pwedeng hwag mo na lamang syang pansinin? Hindi mo naman sya kailangan, diba? Ayaw ko rin sa kanya pero wala naman akong magagawa eh. Kaming dalawa ay iisa. Kahit anong gawin ko para makawala ay mananatili pa rin akong nakagapos sa kalungkutang kanyang dala.

Tuesday, August 10, 2010

Why So Serious?


"Madness, as you know, is like gravity. All it takes is a little push."

"Madness is like the Emergency Exit.You can just step outside and close the Door on all those Bad Things that happened.You can lock Them all away Forever."


- Joker



############################################

Ikaw ang naaalala ko tuwing tinititigan ko sya..

Wednesday, August 04, 2010

Snakes and Light Reaction

Iyon ang huling requirement na kailangan naming maipasa para sa subject na Biology. Ilang buwan rin ang aming inilaan upang matapos ang aming pagsasaliksik tungkol sa paksang aming napili. -- Snakes. Typewriter pa lamang ang gamit namin noon. Mahal ang renta sa computer at lalong mas mahal ang ink ng printer. Nagalit pa nga ang ibang teacher dahil sa hindi pagpasok ng buong klase sa mga panghapong asignatura para tapusin ang proyekto ng bawat grupo.

"Most of the snakes will attack only when they feel threatened"

Noong mapaglarong araw na iyon ay ako ang naging ahas na tumuklaw sa aking guro. Hindi ko nakita ang malinis nyang hangarin na ako'y turuan. Inakala kong nais nya lamang akong saktan at pahirapan kaya umiral ang pagiging ahas ko -- hindi ko ugali ang sumalag, ako ang sumasalakay.

Hindi ko na sya nakausap matapos ang araw na iyon. Sinira ko ang isang magandang samahan. Ilang araw matapos yun ay saka ko pa lamang napagtanto kung ano ang nawala sa akin.

Pagkatapos ng halos dalawang taon ay bumalik ang lahat sa akin, iyon pinakamalaking kabiguan ko sa buhay. Pakiramdam ko'y lalo ko syang ibinagsak, kung nakasama ko lang sana sya noong panahong iyon marahil ay iba ang kinalabasan ng lahat.

Sinubukan ko syang hanapin. Gusto ko syang puntahan noong nalaman kong doon na sya nagtuturo, gusto ko syang padalhan ng bulaklak pero nag-alangan ako.

Pagkatapos ng maraming taon ay muli ko syang nakita. In-add nya ako pero in-approve ko na lang pagkatapos ng ilang araw. Inakala ko kasi na hindi na nya ako naaalala. Maaga akong pumasok noong araw na iyon. Pagkatapos magcheck ng e-mails ay naglog-in na ako sa Facebook. "Hi" Dito nagsimula at sa loob ng dalawang oras ay tuloy-tuloy ang paglabas ng mga katagang matagal ko nang nais sambitin, ang paghingi ng tawad, ang mga kwento ng kalungkutan at kabiguan, ang nakaraan, ang bukas. Ang lahat ng ito ay malaya kong nasabi nang walang pag-aalinlangan o takot na ako'y mahusgahan.

"It's easy for you to say those things because you know deep inside that I'm your long lost friend"

Mahigit sampong taon na ang lumipas. Mas mahihirap at mas masasakit pa ang aking mga pinagdaanan pagkatapos ng presentation namin sa Biology. Subalit ang aral na itinuro sa akin ng araw na iyon tungkol sa buhay ay ang naging matatag na pundasyon ko upang malampasan ang lahat ng mga hinarap kong pagsubok at masimulan ang isang bago at tunay na pagkakaibigan. Nakakalungkot isipin na kinailangan pang masira ang isang magandang samahan upang ang mga ito ay aking matutunan. Hindi ko naabot ang isang bagay gusto ko sanang maipagmalaki nya sa akin pero alam ko na sa aking munting paraan ay maipagmamalaki nyang ako ay minsan niyang tinuruan. Mahigit sampong taon na ang lumipas. Ilang daang milya na ang layo namin sa isa't-isa pero alam ko balang araw ay magkikita kaming muli. At habang naghihintay ako sa araw na iyon ay dito ko muna masayang ikukwento ang mga nangyayari sa aking buhay.

##########################################

Putang Ina hindi na ako naaalala ng paborito kong titser noong high school..hindi nya alam na mas masaya pa ako kapag nakakuha ako ng 81 sa mga pagsusulit na ibinibigay nya kahit na sa ibang subject ay nakakuha ako ng 95..hindi nya alam na talagang nagpuyat ako para lamang maunawaan ang meiosis at mitosis, kung paano ko sinikap na intindihin at saulohin ang proseso ng light reaction, ang produksyon ng adenosine triphosphate at nicotinamide adenine dinucleotide phosphate dahil gusto kong makakuha ng 85 para matuwa sya sakin..hindi nya rin alam kung gaano kalaki ang impluwensya nya sa pagtingin ko sa buhay pagkatapos ng mga kwentuhan namin.. at hindi nya alam na hanggang ngayon ay dinadala ko pa rin ang galit sa sarili ko dahil sa lahat ng mga pinagsasaabi at ginawa kong lubhang nakasakit sa kanyang damdamin..

Napakatagal ko syang hinanap..at ngayong natagpuan ko na sya ay ganito naman..?


**84.74 pala ang nakuha kong final Grade sa Biology at kapag iniround-off yun, 85 na rin yun..

Friday, July 30, 2010

Paghahanap

"If you want to achieve peace of mind and happiness have faith, If you want to be a disciple of truth then search."

--Friedrich Wilhelm Nietzsche

Reciprocal Invitation to the Dance

Reciprocal Invitation to the Dance
by Johann Wolfgang von Goethe

THE INDIFFERENT.

COME to the dance with me, come with me, fair one!

Dances a feast-day like this may well crown.
If thou my sweetheart art not, thou canst be so,

But if thou wilt not, we still will dance on.
Come to the dance with me, come with me, fair one!

Dances a feast-day like this may well crown.

THE TENDER.

Loved one, without thee, what then would all feast be?

Sweet one, without thee, what then were the dance?
If thou my sweetheart wert not, I would dance not.

If thou art still so, all life is one feast.
Loved one, without thee, what then would all feasts be?

Sweet one, without thee, what then were the dance?

THE INDIFFERENT.

Let them but love, then, and leave us the dancing!

Languishing love cannot bear the glad dance.
Let us whirl round in the waltz's gay measure,

And let them steal to the dim-lighted wood.
Let them but love, then, and leave us the dancing!

Languishing love cannot bear the glad dance.

THE TENDER.

Let them whirl round, then, and leave us to wander!

Wand'ring to love is a heavenly dance.
Cupid, the near one, o'erhears their deriding,

Vengeance takes suddenly, vengeance takes soon.
Let them whirl round, then, and leave us to wander!

Wand'ring to love is a heavenly dance.

1789.

Wednesday, July 21, 2010

Kasama

Labing anim na taon ako nang sinimulan kong habiin ang isang pangarap na pinukaw ng gurong nagpakilala sa akin sa mundo ng panitikan. Ang pagkamulat na ito rin ang naging hudyat ng pag-iiba ng mga kasuno ko sa huling taon ko sa mataas na paaralan. Sa mahalagang transisyong ito ay nakilala ko ang dalawang taong magiging kasama ko hindi lamang noong hayskul kundi pati na rin sa pagharap ko sa buhay. Mahigit tatlong taon ko na silang kakilala noong panahong iyon subalit hindi ko inakalang magiging malaking bahagi sila ng aking buhay. Nakakasama ko na ang isa sa mga pakasam at mga gala noong unang taon pa lamang. Subalit ang isa ay hindi ko naisip na makakasundo ko pala dahil na rin sa malamig pagtuturingan noong mga unang taon na impluwensya ng mga dati kong kasama.

Pinagsama kaming tatlo ng iisang pangarap. Naging daan ang bawat gabing ginugol namin bilang paghahanda sa pangarap na iyon para mas makilala pa ang isa't-isa. Hindi ako natakot na malaman nila ang mga kahinaang nagtatago sa likod ng matapang at palaban kong katauhan. Masaya kaming kumakain ng binatog, mani, pipino o kung ano mang dumaang inilalako sa kalsada habang pinagkukwentuhan ang nakaraan at mga plano para sa kinabukasan. Tinakluban ng ugnayang ito ang lahat ng masasama kong karanasan pagdating sa pakikisama at binigyan ng mas malalim na kahulugan ang salitang "pagkakaibigan."

#############################################

Isang paggunita sa siyam na taon na pagkakaibigan.


Malayu-layo na rin
Ang ating narating
Di na matitinag
Ang samahan at pag-ibig

Mabibilang mo ba
Ang mga taong
Lumipas
Sa pakiwari ko’y
Isa lamang sandali
Puno ng liwanag
At dilim
Magkahalo lagi
Ang pait at tamis

Hinarap natin
Ang hamon ng kahapon
Di man sigurado
Ang kinabukasan

Kasama by Bridge

Monday, July 05, 2010

And She Was Gone

"And She Was Gone"
By Emily Kapnek
from the season 3 episode of As Told By Ginger

She chose to walk alone
Though others wondered why
Refused to look before her,
Kept eyes cast upwards,
Towards the sky.

She didn't have companions
No need for earthly things.
Only wanted freedom,
From what she felt were
Puppet strings.

She longed to be a bird. That she might fly away.
She pitied every blade of grass
For planted they would stay.

She longed to be a flame,
That brightly danced alone.
Felt jealous of the steam
That made the air its only home.

Some say she wished too hard.
Some say she wished too long.
But we awoke one autumn day
To find that she was gone.


Some say she wished too hard.
Some say she wished too long.
But we awoke one autumn day
To find that she was gone.

The trees, they say stood witness.
The sky refused to tell.
But someone who had seen it said
The story played out well.

She spread her arms out wide.
Breathed in the break of dawn.
She just let go of all she held...

And then she was gone.

Wednesday, June 23, 2010

Joanne of Arc

Ika-23 ng Hunyo rin noon, ilang linggo pa lang ang lumipas mula nang magsimula ako sa kolehiyo. Ito ang unang beses na dadalo ako sa pagtitipon ng lahat ng iskolar sa unibesidad na aking pinapasukan. Para sa isang freshman na tulad ko ay isang kamangha-manghang pagkakataon ang pagsasama-sama ng lahat ng matatalino at magagaling sa buong pamantasan, mga nagmula sa iba't-ibang college -- Accountancy, Science, Mass Com, Business, Engineering, etc. Pero ano ba ang ginagawa ko dito? Hindi ito ang plano ko noong nasa high school pa lamang ako. Dapat ay nasa ibang lugar ako ngayon, sa Kalayaan! Natapos ang pagtitipon at pareho kaming nahalal bilang miyembro ng executive board ng Kapatiran. Doon kami ay nagkakilala.

Tahimik ko syang pinapanuod noong gabing iyon pagkabalik sa Bulwagan ng Unyon ng Mag-aaral para sa aming unang pagpupulong. Isa sya sa mga makakasama ko halos araw-araw sa aking bagong tambayan. Lumipas ang mga araw at unti-unti ko syang nakilala. Sa kabila ng kanyang balingkinitang katawan ay nagtatago ang isang mabangis na pusa. Minsan lamang sya magsalita pero hindi mo pwedeng balewalain ang mga ideyang sinasabi ng kanyang mga mapupulang labi. Hindi mo mapipigilang tumigil sa iyong ginagawa at lumingon kapag narinig mo ang kanyang mahinahon pero intimidating na boses. Minsan ay mag-aalangan kang tumabi sa kanya dahil makinis at maputi nyang kutis. Kaya nyang sindakin ang sinuman gamit ang kanyang mapanlisik na mata. Isa sya sa mga nangunguna sa kanilang batch. Hindi sya nawawala sa listahan ng mga top tuwing departmental exam.

Pareho kaming naging aktibo sa lahat ng proyekto ng Kapatiran sa buong taon na iyon. Lagi kaming tumatambay sa OSFA pagkatapos ng aming klase.
Hindi na namin maalala kung anu-ano ba ang mga napag-uusapan namin tuwing magkikita kami o kung nagkasama ba kaming kumain ng refillable lugaw sa loob ng Teresa pero alam namin na noong panahong iyon ay nagkakasundo na kami. Pagkatapos ng aming term ay muli kaming nahalal bilang miyembro ng executive board pero this time hindi na kami masyadong naging active. Paminsan-minsan na lang kami nagkikita. Noong huling taon naman nya sa kolehiyo ay nag-LOA pero tuloy-tuloy parin ang communication namin, minsan rin naman dumadalaw ako sa OSFA. Katulad ng inaasahan, nagtapos sya na "Cum Laude" sayang nga kinulang ng 0.04 ang kanyang final grade para makapasok sa Magna Cum Laude.

Saka pa lang kami nagkita makalipas ang halos tatlong taon. Dahil pareho kaming nagtatrabaho sa Makati ay naging mas madalas ang aming pagkikita dito ay mas lumalim ang aming pagkakaibigan. Sya ang movie buddy ko pero minsan ay mag-isa akong nanunuod ng pelikula dahil sobrang busy sya sa trabaho at kapag free na sya ay pipilitin naman nya akong samahan syang panuorin ang pelikulang napanuod ko na kaya ayun minsan natutulog na lamang ako sa sinehan. Sya rin ang food buddy ko kahit na mahilig sya sa prawn at ayaw ko naman dahil sa amoy at kumakati yung labi ko tuwing kumakain ako nito. Natatawa na lamang kami kapag napagkukwentuhan namin ang napakaraming bagay, pagkain, at paniniwala na hindi namin pinagkakasunduan subalit sa kabila nito ay nananatili pa rin kaming malapit na magkaibigan. Nakakatawa rin na tuwing sasabihin ko sa kanya ang planong gawin o puntahan ay hindi natutuloy kaya saka ko na lamang ikinukwento sa kanya ang mga ginawa ko. Maganda na rin yun dahil minsan may mga kagaguhang gusto kong gawin pero alam kong makakasama iyon sakin kaya sinasabi ko kanya para hindi na yun matuloy.

Alam nya lahat ng mga katarantaduhang ginagawa ko pati mga paglalaro ko sa buhay. Alam nya ang galit ko sa mundo at sa mga tao. Alam nya ang pangalan ng bawat taong nakasama ko at pinagalayan ng aking atensyon. Alam nya ang aking mga kabiguan at kasama ko syang nagdiriwang sa aking mga tagumpay.


#######################################

Ngayon ay ang ika-walong taon ng aming pagkakaibigan.

Tuesday, June 15, 2010

Morphine

Virginia.

Ito ang sagot sa tanong na nagpapanalo ng isang milyong piso sa isang science high school student na sumali sa Game KNB? kanina. Nakakatuwang isipin na sa edad nyang iyon ay nanalo na sya ng ganoon kalaking halaga. Matapos ihayag ni Kris na tama ang sagot at nanalo na yung bata ng isang milyon ay ipinakita naman sa TV ang ina ng bata na lubos ang kasiyahan. Sobra akong nadala ng mga sumunod na sinabi ni Kris, "Masayang-masaya tayo sa mga ganitong klaseng achievements pero ang ating ina ay ten times ang kasiyahang nararamdaman para sa tagumpay ng isang anak."

Naalala ko na dati pa akong gustong pasalihin ng Nanay ko sa Game KNB? dahil lagi ko daw nasasagot ang mga tanong sa game show na yun. Naisip ko kanina na kung ako siguro ang nasa katayuan ng batang yun marahil ay ang Nanay ko na ang pinakamasayang ina sa buong mundo. Marahil proud na proud sya sa naabot ko. Marahil yayakapin nya ako ng mahigpit at ipagsisigawan nya na "Anak ko ito!!"

Napakarami kong gustong ibigay sa Nanay ko. Gusto kong maranasan nya ang maalwan at masaganang pamumuhay. Gusto kong tingalain at kainggitan sya ng lahat ng mga ina sa mundo dahil sa pagkakaroon nya ng isang matagumpay at mapagmahal na anak. Nais kong maranasan nya ang buhay ng mga mayayaman naming customer. Nais kong mabili nya ang anu mang bagay na magustuhan nya at mapuntahan ang mga magagandang lugar na gusto nyang mapuntahan.

Dati ay madalas na sinasabi ng Nanay ko na nakakaawa daw ang Lola ko. Namatay daw sya na hindi man lang nakaranas ng maayos at maalwang buhay. Maya-maya ay mapapansin ko na lamang na unti-unti nang tumutulo ang kanyang mga luha. Kung iisipin, nakaka-awa talaga ang Lola ko. Namatay syang nakaratay sa kama. Hirap na hirap.

Halos lumaki ako sa piling ng Lola ko. [Ako ang paborito nyang apo.] Sya ang nagpaanak sa Nanay ko kaya Sya rin marahil ang unang taong nakita ko noong isinilang ako. [Ang Lola ko rin ang nagbigay sakin ng pangalan ko. Bukod sa deformity ko ay napakasakitin ko noong bata pa ako. Palitan daw sila ng Nanay ko sa pagkandong sa akin dahil lagi akong umiiyak sa tuwing ibababa sa kama.] Anim na taon na ako noong lumipat kami mula sa Pulo papunta sa bayan para sa aking pormal na pag-aaral. Naiwan namin doon sa isla ang Lolo't Lola ko pati na ang iba kong mga tito at tita. Ngunit kahit na ganoon ay bumabalik pa rin ako tuwing bakasyon. At doon ay mas marami pang ala-ala ang aking nabuo kasama ang Lola ko. Pagka-kain naming ng agahan ay sisimulan na naming walisan ang buong paligid ng bahay pa punong-puno ng dahon mula sa mga punong nakatanim sa paligid. Pagkatapos nito ay didiligan naman namin ang iba't-ibang uri ng halaman na inaalagaan ng Lola ko. Pagdating naman ng tanghali ay magkatabi kaming nahihiga sa may silong [ng bahay] habang nakikinig sa mga drama sa radyo. Minsan naman ay doon kami nahihiga sa kubo na malapit sa dagat dahil doon ay mas malamig ang ihip ng hangin. [Madalas na pinakikinggan namin noon ay si Tiya Dely at pagkatapos naman nito ay ang "Ito ang Palad Ko" -- Ang theme song ng programang ito ay ang kanta ni Kenny Rankin na "What Matters Most" kaya tuwing maririnig ko ito ay hindi ko mapigilang maluha dahil naaalala ko ang Lola ko.] Sa hapon naman ay pumupunta kami sa gubat upang manguha ng tuyong kahoy na gagamiting panggatong sa pagluluto. Kapag gabi naman ay nakikinig kami kay Ka Ernie Baron sa radyo hanggang sa ako'y makatulog na nakayakap sa aking mahal na Lola at hinahayaang punuin ang ilong ko ng mahalimuyak na amoy ng Lola ko na dulot ng bughaw na Johnson's Baby Powder na halos ipaligo nya sa kanyang katawan. Minsan naman ay may mga araw na mag-isa akong natutulog dahil sumundo sa Lola ko para magpa-anak ng isang bagong inang punong-puno ng mga pangarap para sa kanyang sanggol na isinilang.

Kapag malapit na ang Mahal na Araw ay pumupunta kami ng Lola ko sa tuklong tuwing hapon. Panata nya ito sa Nuestra Senora de Milagrosa, ang patron namin sa isla. Pagkagaling sa tuklong ay titigil muna kami sa isang taniman ng kamoteng kahoy upang magbunot ng mga tumutubong damo. Kahit na masakit na ang akong mga kamay at tagaktak na ang pawis ay akin pa ring tinitiis ang hirap, mahil ay dahil sa takot na mapagalitan o dahil sa pagmamahal sa aking Lola.

Madalas ay kami lamang dalawa ng Lola ko ang nasa bahay, wala si Lolo dahil nandun sya sa sugalan. Minsan kapag umuuwi sya ay nag-aaway lang sila ni Lola. Isang beses nga noong mag-away sila ay tinaga ni Lolo yung kawayang poste sa balkon ng bahay habang isinisigaw ng Lola ko na sobrang hirap lang ang dinanas nya sa piling ni Lolo.

Hindi naging maswerte si Lola sa kanyang mga naging anak lalo na kay Tita Thelma. Si Tita Thelma ang pilit na iginapang ni Lola para makatapos ng kolehiyo. Minsan ay naikwenyo ni Lolo na noon daw ay kahit madaling araw pa lamang ay nanghuhuli na ng isda si Lola, tinitiis nya ang lamig ng tubig upang may mapipangtustos lamang sa pag-aaral ni Tita Thelma. Kahit na nakatapos sya ng pag-aaral at nakapasa so board exam [para maging Chemical Engineer] ay hindi pa rin nya naiahon sa kahirapan sina Lola dahil sa maaga nyang pag-aasawa. Sigurado akong sobra-sobrang hirap ng kalooban ang naranasan noon ni Lola. Napakasakit isipin na ang taong inaasahan mong makakatulong sa'yo upang wakasan ang iyong paghihirap ay bigla na lamang mawawala kasama ng iyong pangarap ay pag-asa.

Grade 5 na ako nang makaranas ng sobrang pananakit ng katawan, lalo na ang parteng likuran, ang Lola ko. Ang pananakit na ito ay lalong lumala [nang lumala] na naging sanhi ng pagkaratay nya sa kama. Dinala sya sa iba't-ibang doktor pati na sa mga albularyo kung saan-saan ngunit walang nagawa ang mga ito sa sakit ng Lola ko. Dumating ang araw na hindi na nya kami makilala kahit na ang mga anak nya. Marahil ay sanhi ito ng mga gamot na iniinom nya. Madalas ay si Nanay ang nag-aalaga sa kanya at minsan naman ay tumutulong ako. Kitang-kita ko ang hirap na dinadanas ng Lola ko habang nakaratay at unti-unting binubura ng gamot ang kanyang mga ala-ala. Umaga noong ika-siyam ng Mayo, 1997 nang bawian ng buhay ang Lola ko. Napakalalim na kalungkutan ang bumalot sa aking noong umagang iyon..wala na ang Lola ko..lumaya na sya at sa wakas ay natapos na rin ang kanyang paghihirap..

Natapos ang Game KNB habang tuwang-tuwa ang batang nanalo samantalang ang kanyang ina naman ay abo't langit ang tuwa at pasasalamat at sa kanyang mata'y dinig na dinig mo ang kanyang sigaw.. "ANAK KO ITO!!"

Pinatay ko na ang telebisyon at naglakad patungo sa aking silid at isinara ang pinto. Mula sa kadiliman ay nakita ko ang aking Ina at unti-unting tumulo ang aking mga luha..

Matutupad ko ang mga pangarap ko para sa aking Ina..

PS. Jeremy Vicencio ang pangalan ng batang nanalo..

###################################

Ito ay isinulat ko noong ika-23 ng Disyembre, 2005 sa aking Talaarawan noong ako'y nasa pamantasan pa lamang. Lumayas ako sa amin noong Hunyo, 2005 at bumalik na lamang bago ang pagsalubong sa bagong taon. Noong mga panahong iyon ay nabuhay akong mag-isa at walang sinuman ang tumulong sa akin kahit na ang mga taong itinuring kong kaibigan.

###################################

Ang araw na ito ay ang ika-limampu't isang kaarawan ng aking Nanay. Nagparamdam sya sa akin kaninang umaga pero hindi ko pinansin. Hindi ako sana'y na ipinapakita sa kanya ang aking pagmamahal.

Sa dami ng naranasan kong sakit sa buhay ay tila naging manhid na ako at tuluyan nang nawala ang kakayahan kong magmahal. Madalas ay isinisisi ko sa aking Ina kung bakit ganito ang buhay ko. Sana ay hinayaan na lamang nila akong mamatay noong bata pa ako habang namimilipit sa sakit dulot ng deformity ko.

Tuesday, June 08, 2010

Vollendung

1. Pumunta sa Enchanted Kingdom.
2. Maligo sa lawa sa loob ng crater ng Bulkang Taal
3. Ipakilala kay Punong Mangga na nakatamin sa isang isla sa Taal Lake
4. Manalangin sa kapilya ng Nuestra Señora de Milagrosa.
5. Pumunta sa Sagada sa panahong Bughaw ang Buwan at pagmasdan ang aninag nito sa tubig sa hagdan-hagdang palayan.
6. Manuod ng mga lumang pelikula (yung black and white, isama na rin natin ang mga pelikula nina John Lloyd at Bea).
7. Turuan kang magluto ng tatlong putahe.
8. Manuod ng concert ni Michael Buble
9. Sumakay sa Pasig River Ferry Service
10. Makilala at maging sobrang malapit kay Lola at sa iyong pamilya.

Isa sa mga huling napagkasunduan natin ay ang maghanda ng tig-isang listahan ng sampung mga bagay na gusto nating gawin kasama ang isa't-isa. Pagsasama-samahin natin ang mga ito at isa-isa nating gagawin. Kahit na tinigilan na natin agn pag-uusap ay gumawa pa rin ako ng listahan ko. Kung sakali man na hindi na talaga tayo matuloy, maganda pa ring malaman mo na tumupad pa rin ako sa napag-usapan natin.

Ununa ko na ang pagpunta sa Enchanted Kingdom dahil alam kong ilang beses nyo na itong binalak gawin ng mga naging boyfriend mo subalit lahat sila ay hindi natuloy. Gusto ko ang ideya na kung sino ang matutuloy na makasama mo papunta dito ay syang makakasama mo habambuhay. Gusto ko sana ako na ang taong iyon. Ang ikalawa, ikatlo at ika-apat ay pwede nating gawin kapag pumunta tayo sa amin sa Batangas. Gusto kong isama ka sa lugar kung saan ako isinilang, ang isla kung saan naroon ang Bulkang Taal. Gusto kong makita mo ang aking pinanggalingan, gusto kong mapalapit ka rin sa mga punong kumandong sa aking pagkabata. Dati ko pa gustong pumunta sa Sagada kasama ang taong mahal ko. Gusto kong maramdaman ang mainit mong yakap sa malamig na gabi habang bilog ang buwan. Kapag nag-live-in na tayo, lagi tayong manunood ng mga classical movies hanggang makatulog na magkayap. Gigisingin kita sa amoy ng inihanda kong agahan at sabay natin itong kakainin sa ibabaw ng kama. Alam kong hindi ka mahilig magluto pero gusto ko matuto ka ng kahit tatlong putahe man lang. Diba paborito mo si Michael Buble? Ikaw nga ang dahilan kung bakit ko sya nagustuhan e. Hindi na ako umabot noong kolehiyo sa Pasig River Ferry at naging busy na rin noong nagkatrabaho kaya hindi ko na nasubukang sumakay dito. Pareho tayong paboritong apo ng mga lola natin, yung sakin nga lang wala na kaya gusto ko sana maging malapit sa lola mo at sa pamilya mo. Hwag kang mag-alala malakas ang dating ko sa mga matatanda kaya kahit na masungit sya ay alam kong makukuha ko ang loob nya. Dapat lang maging mabait sya sakin dahil ako ang mag-aalaga sa apo nya, diba?

Tuesday, May 25, 2010

I Started A Joke

Bakit ba hindi ako naging party animal? Bakit ba hindi ako kumportable sa piling ng maraming taong nagsasaya? Nagtataka talaga ako kung bakit ganito ako. Ilang beses ko nang sinubukang sumama sa maraming tao para makisali sa kanila habang nagwawala at nagpapakalango sa ritmo ng musika pero hindi ko talaga maisiksik ang sarili ko. Ang bawat halakhak ay tila punyal na itinatarak sa aking likuran. Unti-unti akong pinapatay ng masasayang kwentuhan at tawanan. Sa kabilang banda naman ay tila musikang nagpapakalma sa akin ang hinagpis ng bawat kaluluwang naghihirap. Kasiyahan ang dala sa akin ng bawat kamatayan.

Hindi ako mahilig sa R&B. Ayokong sumabay sa ritmong pilit sinasabayan ng mga taong dinadala at nagpapadala lamang sa idinidikta ng panahon. Ayoko sa taong walang sariling pagkakakilanlan. Mas gusto kong ang galit at pagmamahal at sining sa likod ng musika ng Scorpion, Metalicca, System of a Down, Third Eye Blind, Nirvana, Fall Out Boy, Queen, Oasis, Switchfoot, etc.

"Everybody's looking for love- Oh, oh.
Ain't that the reason you're at this club?"

Gusto kong subukang bumalik sa Bed kahit na hindi ako kumportable sa lugar na puno ng halakhakan. Gusto kong bumalik sa Bed para maranasang ilipad ng napapanahong ritmo. Gusto kong bumalik sa Bed dahil baka doon si Pagmamahal ay aking matagpuan. Gusto kong bumalik sa Bed dahil doon ako'y binubuhay ng nakabibinging hinagpis ng mga pusong nagtatago sa likod ng maskara ng ritmo at huwad na kasiyahan.

#############################################
Nakita ko si Unilever Gay Guy noong unang beses kong pagpunta sa Bed noong Marso. Napakaliit talaga ng mundo para sa aming dalawa. Minsan parang gusto kong bumalik doon at magpakaputa.

Friday, May 07, 2010

Nine Answers to Mother Tongue

Ja, ich spreche ein bißchen Deutsch. Ich studiere Deutsch im Goethe Institute-Manila.

#########

Pagkatapos ng halos isang taon ay maipagpapatuloy ko na ulit bukas ang pag-aaral ko ng Aleman. Napag-iwanan na ako ng mga ka-batch ko noong isang taon e. Sigurado karamihan sa kanila ay natapos na sa Level 3 (A1.3) at handa na silang kumuha ng Goethe-Zertifikat A1.

Isang nakakatuwang karanasan para sa akin ang pag-aaral ng Aleman noong isang taon. Dito ay nakilala ko ang iba't-ibang klaseng taong may kanya-kanyang dahilan kung bakit gustong matutong magsalita ng Aleman. Merong anak-mayamang ipapadala sa Switzerland para doon ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo-- kasama nya ang kanyang amang nakakapagsalita ng Spanish, French at Bahasa. Isang makulit na lolang gustong makausap ang kanyang half-German na apo, na laging "Ma'am" ang tawag sa Deutschlehrerin, na lagi akong sinusutsutan tuwing gusto akong makausap. Masteral student na kailangan sa curriculum nila na nakakapagsalita ng at least tatlong linggwahe, mahal sa kanyang school kaya sa Goethe pumunta. Konyitang Koreanang may maliit na dede at smoke buddy ni Masteral Student. At syempre, nariyan ang mga "exotics" na gustong makapag-asawa ng Aleman na mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Naging magulong-masaya ang bawat Sabado ng hapon ng buhay ko sa loob ng tatlong buwan dahil sa mga taong ito.

High school pa lang ako ay gusto ko nang matuto ng iba't-ibang linggwahe. Idolo ko ata si Rizal. Iba ang kasi ang dating kung nakakapagsalita at nakakaintindi ka ng maraming linggwahe. Noong college ako ay sinubukan kong mag-self-study ng Espanyol subalit pagkatapos ng ilang buwan ay nawalan na ako gana. Sinubukan ko ring pag-aralan ang Pranses pero nahirapan ako-- kailangan ata nito ay isang formal language school. Sa kabila ng pagnanais kong matuto ng ibat'-ibang linggwahe ay ang malalim kong pagmamahal sa aking Inang Wika. Isa ito sa mga dahilan kung bakit halos lahat ng mga sinusulat ko ay nasa Filipino. Sa aking palagay ay dapat mas pagyamanin ng mga manunulat na Filipino ang kanilang kakayahang sumulat gamit ang ating sariling wika. Kung susuriin mo ang mga Nobel Laureate for Literature ay mapapansing mong karamihan sa kanila ay ang kani-kanilang Inang Wika ang ginamit upang mailabas ang simbuyo nila tungkol sa paksang nais nilang ibahagi, katulad nina Yasunari Kawabata, Herta Müller, Aleksandr Solzhenitsyn, Pablo Neruda, Anatole France, atpb. Sa pamamagitan ng paggamit na ito sa kanilang sariling wika ay malinaw nilang naipaabot sa kanilang mga kababayan ang mensahing pumukaw sa kanilang mga kamalayan. Ang kanilang mga obra ay isinalin na lamang sa Ingles upang mabasa ng mas nakararami sa mundo. Nais ko sana balang araw ay isang Filipino rin ang makatanggap ng ganitong pagkilala sa mundo. Gusto ko balang araw ay ang ating wika naman ang pag-aaralan ng ibang lahi.

Nag-aaral ako ng Aleman dahil gusto kong mag-aral (MBA) sa Germany at isa sa mga requirements ay ang kakayahang makapagsalita at makaintindi ng Aleman. Para sa isang technical na katulad ko ay paraiso ang makapagpalawak ng kaalaman sa sentro ng pagbuo sa agham at teknolohiya sa buong mundo. Musika rin sa aking pandinig ang kakaibang tigas sa punto ng mga German.. Hindi nako nakasabay sa mga kaklase ko noong November dahil sa sobrang busy eh nawalan na ako ng oras para makapag-enroll, tapos noong January naman ay nagkaroon ako ng chicken pox (napakalaki ng damage na ginawa nito sakin-- mga na-cancel na training at travel,pera at higit sa lahat ay ang makinis kong dibdib-- mabuti na lang konti lang ang tumubo at halos wala na ngayong dark spots)kaya ayun tuluyan nakong napag-iwanan ng mga kaklase ko dati. Ganun pa man ay excited pa rin ako sa pagsisimula bukas. May mga bagong makikilala..makakakwentuhan..malay mo isa na sa kanila ang magiging malaking bahagi ng buhay ko..

Tuesday, April 20, 2010

Unrestraint

Susulat ako tungkol sa dissociative identity disorder (DID) ko..tungkol sa hirap na pinagdadaanan ko..tungkol sa labanang nangyayari sa utak ko..

Susulat ako tungkol sa inferiority complex ko..tungkol sa pinagmulan nito..tungkol sa pakikipaglaban ko dito..

Susulat ako tungkol sa deformity ko..tungkol sa epekto nito sa buhay ko..tungkol sa kauganayan nito sa minamahal ko..

Susulat ako tungkol sa mga sekswal kong karanasan..tungkol sa ligaya at sakit na naramdaman ko..

Susulat ako tungkol sa aking pagtingin sa mga usaping politikal..tungkol sa usaping kinahaharap ko bilang isang Filipino..

Susulat ako tungkol sa aking mga paglalakbay..tungkol sa mga lugar na aking napuntahan..

Susulat ako tungkol sa aklat na aking nabasa..tungkol sa musikang aking narinig..tungkol sa larawang aking nakita..

Susulat ako tungkol sa galit ko sa mundo..tungkol sa galit ko sa mga tao.. tungkol sa galit ko sa magulang ko..

Susulat ako tungkol sa mga taong nakilala ko..tungkol sa mga aral na itinuro nila sa akin..

Susulat ako tungkol sa taong nais kong makasama..tungkol sa paghahanap ko sa kanya..

Susulat ako tungkol sa buhay ko..tungkol sa mga karanasan ko..tungkol sa mga pinagdaanan ko..

Susulat ako..yung wala pumipigil at walang pangamba na baka sa akin ay mayroong makakilala..

Sunday, February 21, 2010

Pagpapaalam sa Nakalipas

Ide-delete ko na ang picture mo.. Isasama ko na rin ang mga kantang nagpapaalala sa iyo.

Isa sa mga ipinangako ko sa sarili ko kapag nalampasan ko ang problemang nagpagulo sa isipan ko nitong mga nagdaang buwan ay ang palayain ang aking puso mula sa hawlang nagkulong sa akin sa alaala ng una't-huling gabi namin ni Unilever. Mahigit anim na taon rin akong nagpabihag sa isang taong hindi naman ako gustong itali sa kanyang mga bisig. Nakakatawang isipin na ako mismo ang humabi sa bilangguang lalong nagpabagsak ng aking self-esteem. Sa kabila nito ay hindi ko pinagsisisihan ang mga ginawa ko. Nagmahal lang naman ako, malas lang hindi nya gustong ibalik ang pagmamahal na iyon. At ang pagreject na iyon ang nagtulak sa akin na upang magsumikap.. Inisip ko na baka kapag nakita nya na matagumpay ako ay magkakaroon sya ng interest sa akin. Subalit hindi pala. Habang hinahabol ko sya ay lalo lang syang lumalayo. Mahirap syang maabutan.

Hindi pa ako sumusuko sa laban namin. Alam ko balang araw maabutan ko rin sya at baka malampasan pa nga. Magbabago na ang lahat. Iba na ang daang tatahakin ko. Iba na rin ang layunin ko. Hindi na ang maabot sya kundi ang maabot taong gusto kong maging ako.

Pinapalaya na kita Der Fuhrer.