Tuesday, December 09, 2008
For the Godfather.. My Mentor
Sobra-sobra ang respeto at paghanga ko kay Vito Corleone. Halos ama na ang turing ko sa kanya. Napakahalaga sakin ng bawat salitang binibitiwan nya. Naaalala ko pa noong nagtatrabaho pa ako sa Mafia, tuwing darating sya nagkakagulo na ang lahat. Napakalakas ng dating nya. Tapos kamukha pa nya si Marlon Brando sa The Godfather. Tuwing nagmi-meeting kami napakarami nyang ikinukwento tungkol sa buhay nya, kung paano sya nagtagumpay, ang mga ginawa nyang diskarte, mga pinagdaanan nya. The best sya pagdating sa pagmo-motivate sa mga employee nya. Madalas, bigla ka nyang tatawagin (syempre kabadong-kabado ka), papapasukin sa office nya para kausapin at kamustahin. Bibigyan ka nya ng kung anu-anong advice tungkol sa buhay, trabaho, sales, diskarte, lahat. At paglabas mo sa opisina nya wala na lahat ng agam-agam na gumugulo sa isipan mo.
Paborito nya ang kantang “My Way” at mga kanta ni Engelbert Humperdinck. Tuwing magvi-videoke kami ito lagi ang kinakanta nya. Siya ang naka-impluwensya sakin upang pa-appreciate ko ang mga contemporary classic songs na hindi mawawala tuwing may nagvi-videoke. Sa kanya ko rin natutunang maapreciate ang Il Divo, si Elvis Prestley, Willie Nelson, Frank Sinatra, etc. Lagi ko syang tinitingnan kapag hahawakan ko na ang microphone at magsimula nakong kumanta kasi nakakatuwang tingnan ang mukha nya. Parang gusto na nyang agawin tapos bigla syang hahagalpak sa tawa kasi nga wala talaga ako sa tono. Noong birthday nga nya last year biniro nya ako na nagising daw buong Corinthian Gardens nung kumanta nako.
Isa pa sa mga hinahangaan ko sa kanya ay ang pagpapahalaga nya sa dignidad at ang prinsipyo nya pagdating sa mga project/bidding. Malinis syang makipaglaban. Napakakuripot rin ni Vito Corleone, katulad ko. Hindi ganun kalaki ang pinapasweldo nya dati pero maalaga naman sya pagdating sa ibang bagay. Naiintindihan ko rin naman ang point nya. Lagi nyang sinasabi na samantalahin namin ang chance na matuto mula sa kanyang mga pinagdaanan. Maswerte daw kami dahil personal kaming natuturuan ng isang tulad nya, isang taong may mahigit tatlumpung taong kasanayan sa negosasyon, isang taong nagtagumpay, bumagsak, ngunit bunganon at muling nagtagumpay. Hindi ko malilimutan ang ang metaphors nya tungkol sa pag-aalaga ng kliyente. Lagi nyang itong inihahalintulad sa pag-aalaga ng isang puno. Dapat lagi itong dinidiligaan, kinakausap at binabantayan hanggang sa bumunga na ito. Mahabang proseso ito at kapag nakita mo nang lumabas ang mga bunga doon ka mas dapat magbantay. Napakaraming maghahangad na makuha ito..papayag ka pa bang makuha ng iba ang pinaghirapan mo? Sa kabila ng mahabang paghihintay, mapapawi lahat ng hirap mo kapag natikman mo na ang lahat ng bunga ng paghihrap mo.
Napakahalaga ng naging bahagi ni Vito Corleone sa buhay ko. Sa kanya ko natutunan lahat ng nalalaman ko pagdating sa negotiation, mga diskarte sa pagbebenta, mga do’s and don’ts sa pakikiharap sa mga kliyente, at syempre ang mga aral kung paano mo haharapin ang buhay. Ang lahat ng ito ang ginagamit ko sa Alemanyang kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon. Gustong-gusto ko syang tawagan noong nakuha ko ang una kong Purchase Order (P.O) para pasalamatan sya subalit nahiya ako. Gumawa ako ng mahabang test message para sa kanya pero hindi ko rin naipadala. Ipinagmamalaki ko na si Vito Corleone ang naghulma sa akin. Kapag hindi ko na alam ang gagawin ko, iisipin ko lang kung si Vito Corleone ba ang nasa ganitong sitwasyon, ano bang gagawin nya.. mula doon ay unti-unti nang lalabas ang mga ideya kung ano ang nararapat kong gawain sa negosasyon. Gusto kong maipagmalaki rin nya na SYA ang naghulma sa akin. Matagal pa bago ako lubusang "mahinog" at hindi ko ito minamadali. Marami pa rin akong dapat matutunan, marami pa akong dapat maranasan. Malayo pa ang lalakbayin ko para mapantayan man lang ang naabot ni Vito Corleone, ang aking Mentor. Gagamitin kong gabay ang lahat ng natutunan ko sa kanya upang marating ang aking mga pangarap.
###############################################################
Si Vito Corleone ang Godfather ng Mafia. Nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, Electrical Engineering, MS Engineering, Master of Business Administration. Dating Presidente ng Instite of Electrical and Electronics Engineering (IEEE) - Philippine Sector, Chairperson ng ECE Department ng XXXX, sa kasalukuyan nagtuturo sya sa YYYY. Siya ang ang aking MENTOR.
Monday, December 01, 2008
Flashback
Paano mo kakalimutan ang mga bigong pangarap?
Paano mo kakalimutan ang taong minahal mo ng sobra-sobra ngunit ni-reject ka lang?
Saturday, November 29, 2008
Kundiman
Salin ng tulang Poema XX ni Pablo Neruda
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Maisusulat halimbawa: "Ang gabi’y mabituin
at nanginginig, bughaw ang mga tala sa dako pa roon.
Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit.
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Siya’y inibig ko, at minsan ako’y inibig din nya.
Sa mga gabing tulad nito’y niyayakap ko siyang mahigpit.
At hinahagkan sa lilim ng walang hanggang langit.
Ako’y inibig nya, minsan sya’y inibig ko rin.
Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam?
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi
Isipin lang: Hindi ko sya kapiling. Nawala sya sa akin.
Dinggin ang gabing malawak, mas malawak pagka’t wala sya.
At ang tula’y pumapatak sa diwa, tila hamog sa parang.
Ano ngayon kung di sya mapangalagaan ng aking pag-ibig?
Ang gabi’y mabituin at siya’y hindi ko kapiling.
Iyon lamang. Sa malayo, may umaawit. Sa malayo.
Diwa ko’y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala.
Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya.
Puso’y naghahanap sa kanya, at siya’y hindi ko kapiling.
Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy.
Tayo na nagmula sa panahong iyon ay di na tulad ng dati.
Hindi ko na sya iniibig, oo, pero inibig ko syang lubos.
Tinig ko’y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig.
Sa iba. Siya’y sa iba na. Tulad ng dati kong halik.
Tinig, maningning na katawan. Mga matang walang hanggan.
Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko sya.
Napakaikli ng pag-ibig at napakahaba ng paglimot.
Pagka’t sa mga gabing tulad nito’y niyayakap ko syang mahigpit,
Diwa ko’y di mapalagay sa kanyang pagkawala.
Ito na marahil ang huling hapding ipadarama nya sa akin,
At ito na rin marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya.
Spanish:
Puedo escribir los versos más tristes esta noche.
Escribir, por ejemplo: "La noche esta estrellada,
y tiritan, azules, los astros, a lo lejos".
El viento de la noche gira en el cielo y canta.
Puedo escribir los versos más tristes esta noche.
Yo la quise, y a veces ella también me quiso.
En las noches como ésta la tuve entre mis brazos.
La besé tantas veces bajo el cielo infinito.
Ella me quiso, a veces yo también la quería.
Cómo no haber amado sus grandes ojos fijos.
Puedo escribir los versos más tristes esta noche.
Pensar que no la tengo. Sentir que la he perdido.
Oír la noche inmensa, más inmensa sin ella.
Y el verso cae al alma como al pasto el rocío.
Qué importa que mi amor no pudiera guardarla.
La noche está estrellada y ella no está conmigo.
Eso es todo. A lo lejos alguien canta. A lo lejos.
Mi alma no se contenta con haberla perdido.
Como para acercarla mi mirada la busca.
Mi corazón la busca, y ella no está conmigo.
La misma noche que hace blanquear los mismos árboles.
Nosotros, los de entonces, ya no somos los mismos.
Ya no la quiero, es cierto, pero cuánto la quise.
Mi voz buscaba el viento para tocar su oído.
De otro. Será de otro. Como antes de mis besos.
Su voz, su cuerpo claro. Sus ojos infinitos.
Ya no la quiero, es cierto, pero tal vez la quiero.
Es tan corto el amor, y es tan largo el olvido.
Porque en noches como ésta la tuve entre mis brazos,
mi alma no se contenta con haberla perdido.
Aunque éste sea el último dolor que ella me causa,
y éstos sean los últimos versos que yo le escribo
Pag-aalay
Tumingala. Ibinuka ang mg kamay upang mayakap ang katanyagan mong taglay
Ang nais ko ay mapabilang sa mga pilosopo’t pantas mong pinanday
Ngunit ang talento’t kakayahan ko ay kulang..
#############################################
Tila isa akong hunghang na hanggang paghanga na lamang
Hinding-hindi nya ako papandayin tulad ng mga anak nyang pilosopo’t pantas
Hindi para sakin ang mga pakpak nyang anyong lilipad nang napakatayog sa kalangitan
Lalong hindi para sakin ang nakabuka nyang mga bisig na animo’y yayakapin at aarugain ka’t ililigtas mula sa kamangmangan
##############################################
Isinulat noong ika-18 ng Nobyembre 2005, 11:08 NG
Tungkol sa aking pangarap..isang bigong pangarap.. ilang taon na rin ang lumipas ngunit ang epekto nito sa aking buong buhay at pagkatao ay malinaw pa ring makikita.. Sariwa pa rin ang sugat ng kabiguan. Marahil mahina lang talaga ako. Hinayaan kong unti-unting gumuho ang aking mga pangarap..
Monday, June 09, 2008
For My Khaito Emo Guy
Halos isa't kalahating taon na ang lumipas mula noong gabing tayo'y nagkakilala.
Mula sa malayo ay nakita ko ang liwanag na nagpasigla sa pagod kong kaluluwa. Kakatapos lang ng short quiz ko noon sa Advanced Programming at medyo hindi maganda ang resulta. Ibang-iba ang dating sa'kin ng iyong mga mata. Tila inalis nito ang lungkot na nararamdaman ko noong gabing iyon. Ibang-iba ang tibok ng puso ko.. Noong una hindi tayo nagpansinan, nilampasan kita, nilampasan mo rin ako pero alam natin na matagal na nating tinititigan ang isa't-isa mula sa malayo. Tumigil ako sa paglalakad upang lingunin ka, nakakatawa sapagkat sa sandaling iyon ay nilingon mo rin ako at muling nagtama ang ating mga mata. Sa ating mga titig ay nagkaintindihan na tayo. Bumalik ako at ika'y ganun din ang ginawa. Muli nating nilampasan ang isa't-isa. Muli tayong ngtitigan, naglakas loob na akong ngitian ka at unti-unti ka nang lumapit sa'kin.
Naglakad lang tayo papunta sa karinderyang kinakainan ko lagi. Sabay tayong kumain at pagkatapos ay pumunta na tayo sa tinitirahan ko. Konting kwentuhan tungkol sa isa't-isa. Halikan. Kailangan mong umuwi agad pero nangako kang babalik pagkatapos ng mga gagawin mo. Kinuha ko ang number mo, pero wala akong load nung gabing yun kaya naki-text na lang ako sa kasama ko. Katulad ng iyong ipinangako, bumalik ka nung ala-una ng madaling araw. Magkayakap tayong natulog matapos ang ating una at sya na ring huling pagtatalik. Kinabukasan ay umuwi ka subalit nangakong ika'y magbabalik at sabay tayo muling mghahapunan. Pagdating ng hapon, kinailangan kong mag-overnight sa classmate ko para gawin ang aming project. Tinext kita para ipaalam sayo pero hindi ka naman nagreply, sinubukan kitang tawagan pero hindi mo sinagot. Ilang araw pa ang lumipas at sa tila pag-iwas mo ay lalo kitang hinabol..dahil sa pagnanais na muli kitang makasama.. sa pag-asang ikaw na ang para sa akin..at lalo akong nahulog sa iyo..kinain ako ng sarili kong pantasya.. Pinuntahan ko ang lugar kung saan ka nakatira kahit na hindi ko alam kung alin sa mahigit limang building..floor..unit ka.. Para akong tangang naghihintay sa gate, umaasang matityempuhan kong paglabas mo..tiningna ko rin ang mga internet cafe sa paligid sa pagbabaka-sakaling nandoon ka naglalaro ng Ragnarok. Araw-araw ay tinatawagan kita..pero wala.. Tanga talaga ako.. ayaw kong pakinggan akong isinisigaw ng utak ko na "one night stand" lamang ang nangyari sa atin at hinding-hindi na iyon lalalim pa.. Tanga akong umaasang matatanggap mo ako.. Tanga ako dahil habang lumalayo ka at umiiwas ay lalo naman kitang hinahabol. Tanga ako dahil sa kabila nito ay handa akong lumuhod at magmakaawa para sa pagmamahal mo.
Nakakatuwa at nakakalungkot ring balikan ang ating nakaraan.. Mabilis akong nahulog sa'yo subalit kabaliktaran ang iyong naramdaman. Kahit hanggang ngayon, tuwing maalala kita ay tinitingnan ko pa rin ang friendster account mo.. Nandun pa rin ang mga larawan mo sa online album ko..pati nga sa Ipod ko hindi pa rin kita inaalis..pati ang video na ginawa ko para sayo nadito pa rin..
Monday, April 07, 2008
Nostalgic Morning
Una akong dinala ng mga paa ko sa palengke kung saan nakita ko ang tita ko pati ang kapatid ng lolo ko. Fast forward>>> Pumunta ako sa aplaya (dalampasigan) gusto ko kasing makita ang dagat (Taal lake). Napakarami kasi ng mga ala-ala ko dito. Doon ay ipinako ko ang aking tingin sa isla kung saan ako lumaki. Masaya kaming namuhay doon kasama ang mga pinsan,tito, tita, lolo at syempre ang lola ko. Paborito akong apo ng lola ko. Nung bata pako, magkakasama kaming lahat ng mga pinsan ko sa nursery (para itong walang tubig na swiming pul kung saa inaalagaan ang mga isda pero nagbago ang sistema, hindi na ito ginagamit kaya naging palaruan namin ito) nagkukwentuhan ng mga nakakatakot na istorya pagkatapos ay magtatakbuhan. Ganito kami nuon kasi hindi pa uso ang kuryente sa isla.. Liwanag ng buwan at kingki (improvised kerosene lamp) lang ang ilaw namin doon. Unti-unti na itong nagbago nang magkaroon na ng TV ang mga Lola ko, black and white pa lang ang uso noon..imbes na magtaguan kami sa dilim ay mas pinili na naming manuod ng mga umuusong Telenovela tulad ng Mari Mar. Nung nag-anim na taon nako, lumipat kami ng pamilya ko sa bahay namin sa bayan dahil kailangan ko nang pumasok sa paaralan. Mula noon, tuwing bakasyon at kapag may espesyal okasyon na lamang ako pwedeng pumunta sa isla.
Habang nakatitig ako sa dagat ay may dumaang bangka. Ang tunog na gawa ng motor nito'y tila musikang nagbalik sakin sa aking pagkabata. Sa isla ako tumitigil tuwing bakasyon, doon ay kasama ko ang pinsang kong si Kenneth at si Yek. kaming tatlo ang magkakabarkada. Minsan niliilibot namin ang aplaya at nangunguha ng mga kabibe, dapat ay matigas at malaki ang makuha namin kasi yun ang gagamitin namin sa Basagang Kabibe, madalas kaming napapagalitan noon kasi nga ang dami laging nagkalat na basag na kabibe kung saan-saan. Close pa kami noon ni Ate Kenneth pero ngayon ni magpansinan wala. Minsan nung nagkagalit kami ay nasabi nya sakin na hinding-hindi ako magiging maligaya sa buhay ko. At nangyari nga.. (Ayokong ikwento dito kung bakit ko nasabi yun, saka na).
Tuwing umaga, winawalisan namin ang paligid ng buong bahay ng Lola ko, puro kase dahon ng mga puno na tila walang katapusan ang pagkakalat, pagkatapos didiligan ang bu0ng paligid para hindi masyadong maalikabok. Mahilig sa mga halaman ang lola ko, na minana ko naman. Pagkatap0s ng mga gawain ay dederetso na ako sa dagat para manligo buong araw kasama ang aking mga pinsan! Langoy dito langoy doon! Tapos kapag napagtripan pupunta pa kami sa mga kalapit na isla sakay ng lunday (small boat). Doon kami'y nanghuhuli ng isda, deretso piknik! Sobrang saya namin noon. Simple lang ang buhay..Walang inaalala.. Pero ngayon, may kanya-kanya na kaming mga buhay, karamihan sa mga pinsan ko ay may mga anak na. Nakakalungkot isiping hindi na namin maaaring gawin ang mga simpleng bagay na yun.
Naglakad-lakad pa ako pagkagaling sa dalampasigan. Napadaan ako sa RICCC. Dito ako nagkinder. Dito ko rin nakilala si Marvin (ang kauna-unahan kong bestfriend) at marami pang iba na malaki ang naging impluwensya sa aking paguugali.. Naalala ko yung graduation song namin.. ''Busy days.. We spent..with our crayons and pencil.. Drawing objects.. Counting numbers.. Writing our ABC..'' umiyak pa ako nun tapos niyakap ng mahigpit si Ma'am Dogelio, ang aking guro. Para sakin ay isa ako sa mga paborito nyang mag-aaral noon, ngunit ngayon ay ni hindi na nya man lang ako makilala.
Napadaan rin ako sa bahay nina Julieta. Dito ang tambayan namin ng dati kong barkada nung high school pa ako. Kahit na buong araw na kaming magkakasama, tatambay parin hanggang gabi. Hindi nagsasawa sa pagmumukha ng bawat isa..noon. Kinder pa lamang magkakakilala na kami ng dati kong barkada pero hindi pa kami close nuon. Nabuo lang kami nung Grade 5 na. Tapos napahiwalay yung iba nung naghigh school na kami. Yung mga napunta sa TPI, kami yun, nanatiling buo(?)..at may dumagdag pa..
[ Isa si Hossane sa mga kabarkada ko noon.. napakatagal na rin naming magkakilala..mula kinder hanggang sa 4th year high school ay classmates kaming dalawa. Ni minsan hindi kami nagkahiwalay ng section. Lagi ko syang sinusundo kasi nga halos magkalapit lang ang bahay namin, at nadadanan ko ito tuwing papasok ako..Madalas ay sabay kaming pumapasok sa school..pinagtityagaan ko syang sunduin kahit na napakatagal kong naghihintay..ewan ko ba dun..minsan nagrereklamo nako pero wala rin naman akong magagawa. Medyo close kami ng lola nya, siguro dahil na rin sa hinahanap-hanap ko ang lola ko mula nang mamatay sya, sabi nya (Hossane) sakin lagi daw akong hinahanap ng lola nya kapag hindi nya ako kasama. Siguro nakuha ko lang talaga ang tiwala ng matanda, nakakatuwa nga kasi nung dumalaw ako minsan sa kanila e hanggang ngayon ay kilala pa rin nya ako hakit napakatagal na hindi nya ako nakita, siguro almost 5years rin yun ]
Sama-sama kaming nagkukwentuhan habang gumagawa ng assignments doon sa tambayan.. Sina Dedek, julieta, eric, joy, neil, kathy, hossane, adrian, nano, monette, vera, love,at iba pa. Minsan nagluluto kami ng pancit canton, ang official pagkain ng tropa. Minsan naman kapag galante bumibili kaming fried chicken sa Maja's. Kapag may dalawa tapos may bahaw (kaning lamig) pang natira kina julieta ayus na un!! Salu-salo kaming lahat sa isang bandehado (malaking pinggan) at ang tawag namin sa ganit0ng party ay PAKASAM..hndi ko alam kung panu nabuo ang salitang kalyeng ito,basta yan ang tawag dun. Sa school, kami ang batas kahit na nung freshmen pa lang kami. Bakit? E, dalawa sa tropa ay anak ng may ari ng scho0l namin. Napakarami ngang galit samin noon na upperclassmen. Pati mga teacher umiiyak lagi samin.Lalo na si Ma'am Suarez, ang itinuturi kong ''Mentor'' tatlong beses syang umiyak samin. Sya yung Biology teacher namin na nanggaling UP Los Banos. Napakagaling nya..at yung dede nya..ang laki..bilog na bilog pa.. At hindi lawlaw kahit na may anak na sya.. Final requirement nya samin ang baby thesis/research book. Sobrang higpit nya. Wala pa kamin nasisimulan kahit dalawang araw na lang pasahan na. Kinabukasan, napagkasunduan ng buong klase na magwalk-out at huwag pumasok sa panghapong klase para tapusin ang project. Pero ang nangyari ay isang malaking pakasam sa bahay ng kaklase namin. Dahil ako ang pinakamasarap, Ako ang nagvolunteer na magluto ng sopas. Ang saya-saya ng lahat! Saka pa lamang nami sinimulan ang paggagawa ng pr0ject kung kailang gabi na. Kinabukasan, nagkakagulo sa school..lahat yatang estudyante ay pinaguusapan ang ginawa namin..pati yung isa sa may ari ng iskul ay sumug0d sa rum namin. Kinausap nya kami. Ang bu0ng klase naman,isinisi kay Ma'am Suarez ang lahat.Pagkatap0s ng ilang oras, pumasok si Mam at isinara ang pinto..tahimik ang bu0ng klase. Mayamaya pa'y bigla syang humagulgol ng iyak..tap0s.ayokong ikwento ang sumun0d na nangyari.
[Pinaninindigan ko ang ano mang naging desisyon ko o ano mang nilahukan ko at hindi ko ito pinagsisisihan, ngunit ang pangyayaring ito ay isa sa mga bagay lubos kong pinagsisihan. Naging napakabuting guro sa amin..sa akin ni Ma'am Suarez, naging malapit nga kami sa isa't-isa e.. Napakarami kong natutunan sa kanya na hinding-hindi kayang ituro ng sino man sa mga naging guro ko. Dati ko pang nais na muling makita si Ma'am Marife, nais kong humingi sa kanya ng kapatawaran sa mga nasabi ko against her..nais kong ipagmalaki sa kanya na eto nako ngayon dahil sa mga natutunan ko sa kanya.. Naging isa sya sa mga naging inspirasyon ko sa pagbuo ko sa aking mga pangarap.. ]
Teacher namin nung 4thyr ang isa sa may ari ng iskul na may sakit sa puso,sya si Sir XY. ewan ko ba dun kung bakit gust0ng-gust0ng magturo e mayaman naman sya. Minsan, nagdala ng 5 star si Dedec (Benedict, bestfriend ko sya (dati) na nasa Tate na ngay0n). Itinayming nila na papas0k si XY tapos biglang pinaput0k!! Haha! Nanikip ang kanyang dibdib at dali-daling bumalik sa opis. Maya-maya pa, sumugod naman ang principal kasama ang isa may-ari ng iskul. Pinipilit kaming umamin kung sin0 ang nagpaput0k ngunit wlang umamin..tinakot pa kaming hnd daw papagraduate-in ang buong klase..walang umamin nung oras na but merong mahina ang loob na nagtaksil. Yun si Mark Idol. wala syang kaibigan,sobra kasing papansin at mayabang.Sya rin ang dahilan kung bakit nagkaaway kami ni Ma'am Suarez.. Ayun,nasuspindi si Dedec..
Humiwalay ako sa barkada ko at tuluyang nagsolo nung 2nd grading, 4thyr dahil sa halo-halo at nagpatung-patong nang mga kadahilanan. Ang paghiwalay kong ito ang naging hudyat ng pagkakaroon ko ng bagong buhay. Dito ako nagismulang mangarap para sa sarili..nagsimulang magplano.. Nung una ay naging mahirap para sakin ang lumayo sa mga taong nakasama ko na sa napakahabng panahon, pakiramdam ko talaga noon ay mag-isa na lang ako sa mundo, pero i-f-in-ocus ko ang sarili ko sa pagaaral at dito ako muling nagsimulang bumangon. Doon ko mas nakilala ang sarili ko at mas napaunlad ang aking mga kakayahan, nalaman ko na hindi nasusukat sa tagal ng pinagsamahan ang tunay na pagkakaibigan at ang pagkalas ring ito ang nagbukas sakin sa panibagong pagkakaibigan..at sa pagkakata0ng ito ay isang TUNAY na Pagkakaibigan na.. ito ay sa katauhan nina Ana, Rica at iba pang mga naging kaibigan ko. Sila ang nakasama ko nung mga panahong nag-iisa ako..sina Ana at Rica rin ang kasama kong nangarap..kasama kong nagplano ng aming kinabukasan. Napakarami na rin naming pinagdaanang tatlo, mula tagumpay hanggang mga malalaking problemang dumaan sa buhay ng isa't-isa..at hanggang ngayon ay magkakama pa rin kami..tulungang hinaharap ang mga problema.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad.. Ninamnam ang sim0y ng malamig na hangin. Pinagmasdan ang bu0ng paligid..ang kalangitan na puno ng ulap..ang mga punong pinamumugaran ng ng humuhuning ibon.. Malayo pa ang aking lalakarin.. Marami pa akong makikita.. Malalaman.. Magagawa.. Makakasalub0ng.. Makikilala.. Malay m0..isa sa mga ito ay ang makakasama ko sa aking habambuhay na paglalakbay..
#########################################################
This entry was originally posted in my first blog--Gblogs, last June 12, 2005 at about 4 o'clock in the morning.
Masaya pa noon dito sa G-blogs..libreng magpost..masayang usapan..napakadaming matututunan..marami akong naging kaibigan..mga readers..yung iba may communication pa kami..specially MIA, yung iba tuluyan nang naglaho.. Sa ngayon halos wala ng kwenta ang G-blogs simula nang magcharge sila for every entry..peste talaga Globe na yan.
I edited some parts of this entry..and to all the people who were mentioned, whether I said good or bad things about you, just consider this entry as a book you read that made you realize how bad/good you are to those people that you encountered.. Nakaraan na ito.. It was just that 'Nostalgic Morning' that relived the past and the best thing i could do is to immortalize it through this entry.
