A place full of sadness, wrath, frustrations, vengeance, love and hope. A place for my unwanted body. A place for my perplexed mind. A place for my wandering soul. A place for my wretched existence. A battlefield for my multiple personalities.



Sunday, February 21, 2010

Pagpapaalam sa Nakalipas

Ide-delete ko na ang picture mo.. Isasama ko na rin ang mga kantang nagpapaalala sa iyo.

Isa sa mga ipinangako ko sa sarili ko kapag nalampasan ko ang problemang nagpagulo sa isipan ko nitong mga nagdaang buwan ay ang palayain ang aking puso mula sa hawlang nagkulong sa akin sa alaala ng una't-huling gabi namin ni Unilever. Mahigit anim na taon rin akong nagpabihag sa isang taong hindi naman ako gustong itali sa kanyang mga bisig. Nakakatawang isipin na ako mismo ang humabi sa bilangguang lalong nagpabagsak ng aking self-esteem. Sa kabila nito ay hindi ko pinagsisisihan ang mga ginawa ko. Nagmahal lang naman ako, malas lang hindi nya gustong ibalik ang pagmamahal na iyon. At ang pagreject na iyon ang nagtulak sa akin na upang magsumikap.. Inisip ko na baka kapag nakita nya na matagumpay ako ay magkakaroon sya ng interest sa akin. Subalit hindi pala. Habang hinahabol ko sya ay lalo lang syang lumalayo. Mahirap syang maabutan.

Hindi pa ako sumusuko sa laban namin. Alam ko balang araw maabutan ko rin sya at baka malampasan pa nga. Magbabago na ang lahat. Iba na ang daang tatahakin ko. Iba na rin ang layunin ko. Hindi na ang maabot sya kundi ang maabot taong gusto kong maging ako.

Pinapalaya na kita Der Fuhrer.