A place full of sadness, wrath, frustrations, vengeance, love and hope. A place for my unwanted body. A place for my perplexed mind. A place for my wandering soul. A place for my wretched existence. A battlefield for my multiple personalities.



Thursday, September 13, 2007

Sensitive Numbness

Minsan kahit anung pag-iwas ang iyong gawin ay hindi mo pa rin makayang takasan ang kanyang mga pangil. Sa kabila ng sakit na ang iyong pinagdaanan ay hindi mo pa rin magawang kamuhian ang lahat tungkol sa kanya. Hindi mo pa rin maiwasan ang hindi mahulog sa kanyang mga matatamis na pangako..pangako na balang araw ay darating ang taong para sa’yo..pangako ng isang tunay na pag-ibig na bubura sa lahat ng malulungkot at masasakit na karanasan sa piling ng taong inakala mo’y sya na..

Ilang ulit ka na ring lumuha para sa maling tao, hindi ka pa rin ba napapagod? Sa kabila ng lahat ng iyong pinagdaanan heto ka pa rin, umaasang may taong nakalaan para sa’yo! Bakit hindi mo labanan ang pesteng nararamdamang iyan?? Kaya mo namang maging masaya kahit ikaw lamang mag-isa ah? Kaya ba talaga..? O marahil ay isa lamang yan sa mga maskarang sinusuot mo upang walang makakita sa mga luhang pumapatak mula sa mga mapanglaw mong mata?