A place full of sadness, wrath, frustrations, vengeance, love and hope. A place for my unwanted body. A place for my perplexed mind. A place for my wandering soul. A place for my wretched existence. A battlefield for my multiple personalities.



Monday, April 07, 2008

Nostalgic Morning

Nakatulog ako kagabi habang kachat ang isang espeyal na kaibigan dahil sa sobrang antok. Kahapon kase Alas dos na ng umaga ako nakatulog, tapos nagising nang alas syete y medya at hindi pa natulog nung tanghali.. Maaga akong nagising kanina. Agad kong tiningnan ang 'blog' ng isa pang espesyal na kaibigan baka may mensahe sya para sakin, sabi nya kase kahapon magusap daw kami sa second entry nya tapos bigla namang nagloko ang gblogs! Nalungkot lang ako dahil wala naman..tiningnan ko na lamang kung sinu-sino ang nagpost ng mensahe sa kanya at inisa-isa ang site ng mga ito. Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa yung ganun. Tapos nalulungkot lang naman ako kapag kung anu-ano ang pinaguusapan nila. Marahil nagseselos lamang ako. Pagkatapos nung binasa ko ang mga mensahe ni ****** para sakin. Isa-isa ko ring pinuntahan ang site ng mga kaibigan ko tulad nina jpcanlas, mia, paolo, Princess Cassandra delightspleasureparisianalex, keithasley05, arguellis,etc. Wala nakong magawa pagkatap0s nun kaya naisip kong lumabas at libutin ang buong bayan namin.


Una akong dinala ng mga paa ko sa palengke kung saan nakita ko ang tita ko pati ang kapatid ng lolo ko. Fast forward>>> Pumunta ako sa aplaya (dalampasigan) gusto ko kasing makita ang dagat (Taal lake). Napakarami kasi ng mga ala-ala ko dito. Doon ay ipinako ko ang aking tingin sa isla kung saan ako lumaki. Masaya kaming namuhay doon kasama ang mga pinsan,tito, tita, lolo at syempre ang lola ko. Paborito akong apo ng lola ko. Nung bata pako, magkakasama kaming lahat ng mga pinsan ko sa nursery (para itong walang tubig na swiming pul kung saa inaalagaan ang mga isda pero nagbago ang sistema, hindi na ito ginagamit kaya naging palaruan namin ito) nagkukwentuhan ng mga nakakatakot na istorya pagkatapos ay magtatakbuhan. Ganito kami nuon kasi hindi pa uso ang kuryente sa isla.. Liwanag ng buwan at kingki (improvised kerosene lamp) lang ang ilaw namin doon. Unti-unti na itong nagbago nang magkaroon na ng TV ang mga Lola ko, black and white pa lang ang uso noon..imbes na magtaguan kami sa dilim ay mas pinili na naming manuod ng mga umuusong Telenovela tulad ng Mari Mar. Nung nag-anim na taon nako, lumipat kami ng pamilya ko sa bahay namin sa bayan dahil kailangan ko nang pumasok sa paaralan. Mula noon, tuwing bakasyon at kapag may espesyal okasyon na lamang ako pwedeng pumunta sa isla.


Habang nakatitig ako sa dagat ay may dumaang bangka. Ang tunog na gawa ng motor nito'y tila musikang nagbalik sakin sa aking pagkabata. Sa isla ako tumitigil tuwing bakasyon, doon ay kasama ko ang pinsang kong si Kenneth at si Yek. kaming tatlo ang magkakabarkada. Minsan niliilibot namin ang aplaya at nangunguha ng mga kabibe, dapat ay matigas at malaki ang makuha namin kasi yun ang gagamitin namin sa Basagang Kabibe, madalas kaming napapagalitan noon kasi nga ang dami laging nagkalat na basag na kabibe kung saan-saan. Close pa kami noon ni Ate Kenneth pero ngayon ni magpansinan wala. Minsan nung nagkagalit kami ay nasabi nya sakin na hinding-hindi ako magiging maligaya sa buhay ko. At nangyari nga.. (Ayokong ikwento dito kung bakit ko nasabi yun, saka na).


Tuwing umaga, winawalisan namin ang paligid ng buong bahay ng Lola ko, puro kase dahon ng mga puno na tila walang katapusan ang pagkakalat, pagkatapos didiligan ang bu0ng paligid para hindi masyadong maalikabok. Mahilig sa mga halaman ang lola ko, na minana ko naman. Pagkatap0s ng mga gawain ay dederetso na ako sa dagat para manligo buong araw kasama ang aking mga pinsan! Langoy dito langoy doon! Tapos kapag napagtripan pupunta pa kami sa mga kalapit na isla sakay ng lunday (small boat). Doon kami'y nanghuhuli ng isda, deretso piknik! Sobrang saya namin noon. Simple lang ang buhay..Walang inaalala.. Pero ngayon, may kanya-kanya na kaming mga buhay, karamihan sa mga pinsan ko ay may mga anak na. Nakakalungkot isiping hindi na namin maaaring gawin ang mga simpleng bagay na yun.


Naglakad-lakad pa ako pagkagaling sa dalampasigan. Napadaan ako sa RICCC. Dito ako nagkinder. Dito ko rin nakilala si Marvin (ang kauna-unahan kong bestfriend) at marami pang iba na malaki ang naging impluwensya sa aking paguugali.. Naalala ko yung graduation song namin.. ''Busy days.. We spent..with our crayons and pencil.. Drawing objects.. Counting numbers.. Writing our ABC..'' umiyak pa ako nun tapos niyakap ng mahigpit si Ma'am Dogelio, ang aking guro. Para sakin ay isa ako sa mga paborito nyang mag-aaral noon, ngunit ngayon ay ni hindi na nya man lang ako makilala.


Napadaan rin ako sa bahay nina Julieta. Dito ang tambayan namin ng dati kong barkada nung high school pa ako. Kahit na buong araw na kaming magkakasama, tatambay parin hanggang gabi. Hindi nagsasawa sa pagmumukha ng bawat isa..noon. Kinder pa lamang magkakakilala na kami ng dati kong barkada pero hindi pa kami close nuon. Nabuo lang kami nung Grade 5 na. Tapos napahiwalay yung iba nung naghigh school na kami. Yung mga napunta sa TPI, kami yun, nanatiling buo(?)..at may dumagdag pa..


[ Isa si Hossane sa mga kabarkada ko noon.. napakatagal na rin naming magkakilala..mula kinder hanggang sa 4th year high school ay classmates kaming dalawa. Ni minsan hindi kami nagkahiwalay ng section. Lagi ko syang sinusundo kasi nga halos magkalapit lang ang bahay namin, at nadadanan ko ito tuwing papasok ako..Madalas ay sabay kaming pumapasok sa school..pinagtityagaan ko syang sunduin kahit na napakatagal kong naghihintay..ewan ko ba dun..minsan nagrereklamo nako pero wala rin naman akong magagawa. Medyo close kami ng lola nya, siguro dahil na rin sa hinahanap-hanap ko ang lola ko mula nang mamatay sya, sabi nya (Hossane) sakin lagi daw akong hinahanap ng lola nya kapag hindi nya ako kasama. Siguro nakuha ko lang talaga ang tiwala ng matanda, nakakatuwa nga kasi nung dumalaw ako minsan sa kanila e hanggang ngayon ay kilala pa rin nya ako hakit napakatagal na hindi nya ako nakita, siguro almost 5years rin yun ]


Sama-sama kaming nagkukwentuhan habang gumagawa ng assignments doon sa tambayan.. Sina Dedek, julieta, eric, joy, neil, kathy, hossane, adrian, nano, monette, vera, love,at iba pa. Minsan nagluluto kami ng pancit canton, ang official pagkain ng tropa. Minsan naman kapag galante bumibili kaming fried chicken sa Maja's. Kapag may dalawa tapos may bahaw (kaning lamig) pang natira kina julieta ayus na un!! Salu-salo kaming lahat sa isang bandehado (malaking pinggan) at ang tawag namin sa ganit0ng party ay PAKASAM..hndi ko alam kung panu nabuo ang salitang kalyeng ito,basta yan ang tawag dun. Sa school, kami ang batas kahit na nung freshmen pa lang kami. Bakit? E, dalawa sa tropa ay anak ng may ari ng scho0l namin. Napakarami ngang galit samin noon na upperclassmen. Pati mga teacher umiiyak lagi samin.Lalo na si Ma'am Suarez, ang itinuturi kong ''Mentor'' tatlong beses syang umiyak samin. Sya yung Biology teacher namin na nanggaling UP Los Banos. Napakagaling nya..at yung dede nya..ang laki..bilog na bilog pa.. At hindi lawlaw kahit na may anak na sya.. Final requirement nya samin ang baby thesis/research book. Sobrang higpit nya. Wala pa kamin nasisimulan kahit dalawang araw na lang pasahan na. Kinabukasan, napagkasunduan ng buong klase na magwalk-out at huwag pumasok sa panghapong klase para tapusin ang project. Pero ang nangyari ay isang malaking pakasam sa bahay ng kaklase namin. Dahil ako ang pinakamasarap, Ako ang nagvolunteer na magluto ng sopas. Ang saya-saya ng lahat! Saka pa lamang nami sinimulan ang paggagawa ng pr0ject kung kailang gabi na. Kinabukasan, nagkakagulo sa school..lahat yatang estudyante ay pinaguusapan ang ginawa namin..pati yung isa sa may ari ng iskul ay sumug0d sa rum namin. Kinausap nya kami. Ang bu0ng klase naman,isinisi kay Ma'am Suarez ang lahat.Pagkatap0s ng ilang oras, pumasok si Mam at isinara ang pinto..tahimik ang bu0ng klase. Mayamaya pa'y bigla syang humagulgol ng iyak..tap0s.ayokong ikwento ang sumun0d na nangyari.


[Pinaninindigan ko ang ano mang naging desisyon ko o ano mang nilahukan ko at hindi ko ito pinagsisisihan, ngunit ang pangyayaring ito ay isa sa mga bagay lubos kong pinagsisihan. Naging napakabuting guro sa amin..sa akin ni Ma'am Suarez, naging malapit nga kami sa isa't-isa e.. Napakarami kong natutunan sa kanya na hinding-hindi kayang ituro ng sino man sa mga naging guro ko. Dati ko pang nais na muling makita si Ma'am Marife, nais kong humingi sa kanya ng kapatawaran sa mga nasabi ko against her..nais kong ipagmalaki sa kanya na eto nako ngayon dahil sa mga natutunan ko sa kanya.. Naging isa sya sa mga naging inspirasyon ko sa pagbuo ko sa aking mga pangarap.. ]


Teacher namin nung 4thyr ang isa sa may ari ng iskul na may sakit sa puso,sya si Sir XY. ewan ko ba dun kung bakit gust0ng-gust0ng magturo e mayaman naman sya. Minsan, nagdala ng 5 star si Dedec (Benedict, bestfriend ko sya (dati) na nasa Tate na ngay0n). Itinayming nila na papas0k si XY tapos biglang pinaput0k!! Haha! Nanikip ang kanyang dibdib at dali-daling bumalik sa opis. Maya-maya pa, sumugod naman ang principal kasama ang isa may-ari ng iskul. Pinipilit kaming umamin kung sin0 ang nagpaput0k ngunit wlang umamin..tinakot pa kaming hnd daw papagraduate-in ang buong klase..walang umamin nung oras na but merong mahina ang loob na nagtaksil. Yun si Mark Idol. wala syang kaibigan,sobra kasing papansin at mayabang.Sya rin ang dahilan kung bakit nagkaaway kami ni Ma'am Suarez.. Ayun,nasuspindi si Dedec..


Humiwalay ako sa barkada ko at tuluyang nagsolo nung 2nd grading, 4thyr dahil sa halo-halo at nagpatung-patong nang mga kadahilanan. Ang paghiwalay kong ito ang naging hudyat ng pagkakaroon ko ng bagong buhay. Dito ako nagismulang mangarap para sa sarili..nagsimulang magplano.. Nung una ay naging mahirap para sakin ang lumayo sa mga taong nakasama ko na sa napakahabng panahon, pakiramdam ko talaga noon ay mag-isa na lang ako sa mundo, pero i-f-in-ocus ko ang sarili ko sa pagaaral at dito ako muling nagsimulang bumangon. Doon ko mas nakilala ang sarili ko at mas napaunlad ang aking mga kakayahan, nalaman ko na hindi nasusukat sa tagal ng pinagsamahan ang tunay na pagkakaibigan at ang pagkalas ring ito ang nagbukas sakin sa panibagong pagkakaibigan..at sa pagkakata0ng ito ay isang TUNAY na Pagkakaibigan na.. ito ay sa katauhan nina Ana, Rica at iba pang mga naging kaibigan ko. Sila ang nakasama ko nung mga panahong nag-iisa ako..sina Ana at Rica rin ang kasama kong nangarap..kasama kong nagplano ng aming kinabukasan. Napakarami na rin naming pinagdaanang tatlo, mula tagumpay hanggang mga malalaking problemang dumaan sa buhay ng isa't-isa..at hanggang ngayon ay magkakama pa rin kami..tulungang hinaharap ang mga problema.


Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad.. Ninamnam ang sim0y ng malamig na hangin. Pinagmasdan ang bu0ng paligid..ang kalangitan na puno ng ulap..ang mga punong pinamumugaran ng ng humuhuning ibon.. Malayo pa ang aking lalakarin.. Marami pa akong makikita.. Malalaman.. Magagawa.. Makakasalub0ng.. Makikilala.. Malay m0..isa sa mga ito ay ang makakasama ko sa aking habambuhay na paglalakbay..



#########################################################

This entry was originally posted in my first blog--Gblogs, last June 12, 2005 at about 4 o'clock in the morning.
Masaya pa noon dito sa G-blogs..libreng magpost..masayang usapan..napakadaming matututunan..marami akong naging kaibigan..mga readers..yung iba may communication pa kami..specially MIA, yung iba tuluyan nang naglaho.. Sa ngayon halos wala ng kwenta ang G-blogs simula nang magcharge sila for every entry..peste talaga Globe na yan.
I edited some parts of this entry..and to all the people who were mentioned, whether I said good or bad things about you, just consider this entry as a book you read that made you realize how bad/good you are to those people that you encountered.. Nakaraan na ito.. It was just that 'Nostalgic Morning' that relived the past and the best thing i could do is to immortalize it through this entry.