A place full of sadness, wrath, frustrations, vengeance, love and hope. A place for my unwanted body. A place for my perplexed mind. A place for my wandering soul. A place for my wretched existence. A battlefield for my multiple personalities.



Tuesday, May 25, 2010

I Started A Joke

Bakit ba hindi ako naging party animal? Bakit ba hindi ako kumportable sa piling ng maraming taong nagsasaya? Nagtataka talaga ako kung bakit ganito ako. Ilang beses ko nang sinubukang sumama sa maraming tao para makisali sa kanila habang nagwawala at nagpapakalango sa ritmo ng musika pero hindi ko talaga maisiksik ang sarili ko. Ang bawat halakhak ay tila punyal na itinatarak sa aking likuran. Unti-unti akong pinapatay ng masasayang kwentuhan at tawanan. Sa kabilang banda naman ay tila musikang nagpapakalma sa akin ang hinagpis ng bawat kaluluwang naghihirap. Kasiyahan ang dala sa akin ng bawat kamatayan.

Hindi ako mahilig sa R&B. Ayokong sumabay sa ritmong pilit sinasabayan ng mga taong dinadala at nagpapadala lamang sa idinidikta ng panahon. Ayoko sa taong walang sariling pagkakakilanlan. Mas gusto kong ang galit at pagmamahal at sining sa likod ng musika ng Scorpion, Metalicca, System of a Down, Third Eye Blind, Nirvana, Fall Out Boy, Queen, Oasis, Switchfoot, etc.

"Everybody's looking for love- Oh, oh.
Ain't that the reason you're at this club?"

Gusto kong subukang bumalik sa Bed kahit na hindi ako kumportable sa lugar na puno ng halakhakan. Gusto kong bumalik sa Bed para maranasang ilipad ng napapanahong ritmo. Gusto kong bumalik sa Bed dahil baka doon si Pagmamahal ay aking matagpuan. Gusto kong bumalik sa Bed dahil doon ako'y binubuhay ng nakabibinging hinagpis ng mga pusong nagtatago sa likod ng maskara ng ritmo at huwad na kasiyahan.

#############################################
Nakita ko si Unilever Gay Guy noong unang beses kong pagpunta sa Bed noong Marso. Napakaliit talaga ng mundo para sa aming dalawa. Minsan parang gusto kong bumalik doon at magpakaputa.

Friday, May 07, 2010

Nine Answers to Mother Tongue

Ja, ich spreche ein bißchen Deutsch. Ich studiere Deutsch im Goethe Institute-Manila.

#########

Pagkatapos ng halos isang taon ay maipagpapatuloy ko na ulit bukas ang pag-aaral ko ng Aleman. Napag-iwanan na ako ng mga ka-batch ko noong isang taon e. Sigurado karamihan sa kanila ay natapos na sa Level 3 (A1.3) at handa na silang kumuha ng Goethe-Zertifikat A1.

Isang nakakatuwang karanasan para sa akin ang pag-aaral ng Aleman noong isang taon. Dito ay nakilala ko ang iba't-ibang klaseng taong may kanya-kanyang dahilan kung bakit gustong matutong magsalita ng Aleman. Merong anak-mayamang ipapadala sa Switzerland para doon ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo-- kasama nya ang kanyang amang nakakapagsalita ng Spanish, French at Bahasa. Isang makulit na lolang gustong makausap ang kanyang half-German na apo, na laging "Ma'am" ang tawag sa Deutschlehrerin, na lagi akong sinusutsutan tuwing gusto akong makausap. Masteral student na kailangan sa curriculum nila na nakakapagsalita ng at least tatlong linggwahe, mahal sa kanyang school kaya sa Goethe pumunta. Konyitang Koreanang may maliit na dede at smoke buddy ni Masteral Student. At syempre, nariyan ang mga "exotics" na gustong makapag-asawa ng Aleman na mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Naging magulong-masaya ang bawat Sabado ng hapon ng buhay ko sa loob ng tatlong buwan dahil sa mga taong ito.

High school pa lang ako ay gusto ko nang matuto ng iba't-ibang linggwahe. Idolo ko ata si Rizal. Iba ang kasi ang dating kung nakakapagsalita at nakakaintindi ka ng maraming linggwahe. Noong college ako ay sinubukan kong mag-self-study ng Espanyol subalit pagkatapos ng ilang buwan ay nawalan na ako gana. Sinubukan ko ring pag-aralan ang Pranses pero nahirapan ako-- kailangan ata nito ay isang formal language school. Sa kabila ng pagnanais kong matuto ng ibat'-ibang linggwahe ay ang malalim kong pagmamahal sa aking Inang Wika. Isa ito sa mga dahilan kung bakit halos lahat ng mga sinusulat ko ay nasa Filipino. Sa aking palagay ay dapat mas pagyamanin ng mga manunulat na Filipino ang kanilang kakayahang sumulat gamit ang ating sariling wika. Kung susuriin mo ang mga Nobel Laureate for Literature ay mapapansing mong karamihan sa kanila ay ang kani-kanilang Inang Wika ang ginamit upang mailabas ang simbuyo nila tungkol sa paksang nais nilang ibahagi, katulad nina Yasunari Kawabata, Herta Müller, Aleksandr Solzhenitsyn, Pablo Neruda, Anatole France, atpb. Sa pamamagitan ng paggamit na ito sa kanilang sariling wika ay malinaw nilang naipaabot sa kanilang mga kababayan ang mensahing pumukaw sa kanilang mga kamalayan. Ang kanilang mga obra ay isinalin na lamang sa Ingles upang mabasa ng mas nakararami sa mundo. Nais ko sana balang araw ay isang Filipino rin ang makatanggap ng ganitong pagkilala sa mundo. Gusto ko balang araw ay ang ating wika naman ang pag-aaralan ng ibang lahi.

Nag-aaral ako ng Aleman dahil gusto kong mag-aral (MBA) sa Germany at isa sa mga requirements ay ang kakayahang makapagsalita at makaintindi ng Aleman. Para sa isang technical na katulad ko ay paraiso ang makapagpalawak ng kaalaman sa sentro ng pagbuo sa agham at teknolohiya sa buong mundo. Musika rin sa aking pandinig ang kakaibang tigas sa punto ng mga German.. Hindi nako nakasabay sa mga kaklase ko noong November dahil sa sobrang busy eh nawalan na ako ng oras para makapag-enroll, tapos noong January naman ay nagkaroon ako ng chicken pox (napakalaki ng damage na ginawa nito sakin-- mga na-cancel na training at travel,pera at higit sa lahat ay ang makinis kong dibdib-- mabuti na lang konti lang ang tumubo at halos wala na ngayong dark spots)kaya ayun tuluyan nakong napag-iwanan ng mga kaklase ko dati. Ganun pa man ay excited pa rin ako sa pagsisimula bukas. May mga bagong makikilala..makakakwentuhan..malay mo isa na sa kanila ang magiging malaking bahagi ng buhay ko..