A place full of sadness, wrath, frustrations, vengeance, love and hope. A place for my unwanted body. A place for my perplexed mind. A place for my wandering soul. A place for my wretched existence. A battlefield for my multiple personalities.



Monday, November 23, 2009

Happy Birthday My Unilever Guy

My??Oooppss..mali..Hindi ka pala akin..at mukhang hinding-hindi magiging akin.

Diba last year mo na sa MBA mo dyan sa Rockwell? Habang tumatagal lalo kang lumalayo sa akin. Pero nakakatawa kapag naglalaro ang tadhana, diba? Yung naging boyfriend mo na nakilala mo noong lumipat ka sa Molave na nakakasama mo kapag nagrereview ka sa Jollibee sa Philcoa eh ex-boyfriend ng kaibigan ko na kapangalan ko pa.. Diba minsang sumama ako sa kanila ng mga kaibigan nya na nagrereview doon eh nandun rin kayo? Ewan ko kung napansin mo ako o talagang umiwas ka lang ulit. Noong sa ortigas pako nagwo-work, dun ako tumira sa De Castro at minsan nung papunta na ako sa sakayan eh nakita kita. Tan**na, dun ka rin pala nakatira??? Hindi ko alam ang gagawin ko noon umagang yun.. Sobtang bilis ng pagtibok ng puso ko noon na parang sasabog. Magkahalong saya at insecurity ang naramdaman ko noon. Pagtapos ng ilang taon nakita ulit kita, pero patay, alalang-alala ako noon sa hitsura ko-- maayos ba buhok ko, may dumiba ako sa mukha, maganda ba porma ko?? Arrggghhh..Bakit ba parang napakaliit ng mundo para sa ating dalawa?

Last month, sinubukan kong magpadala ng mensahe sayo sa Facebook, yun yung 6th year anniversary natin, baka kasi magrereply ka..baka pagkatapos ng napakahabang taon eh papansinin mo na ako at this time may chance na ako..kahit na kaibigan lamang.. Kinabukasan excited akong i-check kung may message ako, baka sakaling nag-reply ka, pero wala. Ok lang, baka hindi ka pa nagche-check ng FB mo. Ilang araw rin ang lumipas pero wala pa ring message mula sa'yo kaya nagpasya akong i-search ka at tingnan ang profile mo. Dahan-dahan kong tinype ang ginagamit mong pangalan para hindi magkamali. Wlang lumabas sa result kundi mga website na merong apelyido mo-- yung santo at pangalan ng isang unibersidad sa U-belt. Bakit ganon?? Dinelete mo na ba ang profile mo? Sinubukan kong i-search gamit ang real name mo, pero wala pa rin. Matapos ang ilang subok ng kung anu-anong pangalang na maaring ginamit mo eh saka ko lang narealize, b-in-lock mo na ako..

Kailangan mo ba talagang gawin yun? Bakit ba ganun na lamang ang galit mo sakin? Kasalanan ko ba na minahal kita ng sobra-sobra? Ano bang dahilan kung bakit mo ito ginagawa sa akin? Dahil lang ba sa teorya mo noong una't-huling gabi na magkasama tayo kung bakit XXXXXX ang XXXXX? Sana naging bukas ang isipan mo para maintindihan ang dahilan. Sana kahit papaano naipaliwanag ko sayo ang dahilan kung bakit. Hindi ko rin naman ginusto ito ah. Paano ko ba ipapaliwanag sa iyo kung isinasara mo ang lahat ng daan?


Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagsisikap ko. Pero, bakit ba pakiramdam ko ay kulang na kulang pa rin ang mga tagumpay ko para maabot ka? Sa bawat tagumpay mo, pakiramdam ko ay milya-milya ang idinadagdag nitong patlang sa ating dalawa. Pilit akong lumalapit sayo pero tumatakbo ka naman palayo. Ano pa bang kailangan kong gawin?

#################################
November 22. Happy Birthday Jxxxxx Xxbxxxxxn..

Monday, November 09, 2009

Philippines VS Philippines

Una kong napanuod ang India vs India campaign noong inirepresent ko ang aming kumpanya sa isang panel meeting kung saan pinag-usapan ang mga detalye at implementasyon ng scholarship program na pinangungunahan ng TESDA. Layunin ng proyektong ito na makatulong ang gobyerno sa Semiconductor Industry na lubhang naapektuhan ng financial crisis sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng training sa mga engineers at technicians ng mga semiconductor company. Ang panel ay binubuo ng mga dalubhasa mula sa Semiconductor industry, mga multi-national company at malalaking unibersidad. Isa sa maiaambag namin bilang isang kumpanya na nangunguna pagdating sa Agham ng Radio Frequency (RF) ang imbita ng technical mga expert mula sa Germany na magbabahagi ng kanilang kaalaman. Bago magsimula ang meeting ay ipinakita muna sa amin ang video campaign na ito na ginawa para sa ika-animnapu't dalawang anibersaryo ng kalayaan ng India. Halos iisa ang naging tugon ng lahat matapos itong mapanuod, ang ating bansa, katulad ng India, ay dalawang Pilipinas na naglalaban..

Mahigit tatlong daang taon tayong naging bihag at alipin ng Espanya bago natin maideklara ang ating kalayaan. Isang huwad na kalayaan. Pagkatapos nito ay napasailalim naman tayo ng Amerika. Inagaw, sinakop at ginahasa ng Hapon sa paniniwalang sila ay isang "Divine Race." Muling binawi ng imperyalistang si Uncle Sam at binigyan ng kalayaan. Isa na namang huwad na kalayaan. Minsan ay nanguna tayo sa Asya subalit dahil sa pagtatalo ng dalawang Pilipinas ay unti-unti tayong bumagsak at kinain ng sarili nating kasakiman at kawalan ng pagmamahal sa bayan. Matapos ang dalawang dekada sa ilalim sa karahasan ng Martial Law ay umasa ang lahat na makakabangon na ang Pilipinas. Naupo si Corazon Aquino bilang kauna-unahang babaeng presidente at dumanas ng sunud-sunod na kudeta ang kanyang pamumuno subalit nalampasan nya ito. Sumunod si Ramos, si Erap at si Gloria, at tuluyang nabaon sa utang ang Pilipinas. Tuluyang dumami ang mga naghihirap. Tuluyan namang dumami ang pera pulitikong walang habas na kumakain sa yaman ng ating bayan.

Sa mga proyektong hinawakan ko sa para gobyerno at sa mga pribadong kumpanya ay nakita ko ang mukha ng dalawang Pilipinas na naglalaban. Ang isang Pilipinas ay nagpupumiglas sa pagkakatali. Ang isang Pilipinas naman ay ang siyang taling pumipigil. Ang isa ay naniniwalang kaya nyang makaalpas at umunlad kasabay ang ibang bansa sa Asya. Ang isa naman ay nilamon ng kanyang mga kahinaan at pagdududa, hindi kilala ang kanyang sarili, ang kanyang kasaysayan at ang kanyang mga kakayahan. Ang isang Pilipinas ay kumikilos para sa kanyang kinabukasan samantalang ang isa naman ay reklamo nang reklamo sa dahil kahirapang kinasasadlakan. Ang isang Pilipinas ay nakatingin sa ilalim ng bangin, punong-puno ng pagaalinlangan. Ang isang Pilipinas naman ay nakatingala sa langit at sinasabing "Oras na para lumipad!!"

#####################################################



"There are two Indias in this country. One India is straining at the leash, eager to spring forth and live up to all the adjectives that the world has been showering recently upon us. The other India is the leash. One India says, give me a chance and I’ll prove myself. The other India says, prove yourself first and may be then you’ll have a chance. One India lives in the optimism of our hearts. The other India lurks in the skepticism of our minds. One India Wants. The other India Hopes. One India Leads. The other India Follows. But conversions are on rise. With each passing day more and more people from the other India have been coming over to this side. And quietly, while the world is not looking, a pulsating, dynamic new India is emerging. An India whose faith in success is far greater than its fear of failure. An India that no longer boycotts foreign made goods but buys out the companies that makes them instead. History, they say, is a bad motorist. It rarely ever signals its intentions when it is taking a turn. This is that rarely ever moment. History is turning a page. For more than half a century, our nation has sprung, stumbled, run, fallen, rolled over, got up, dusted herself and cantered, sometimes lurched on. But today, as we get into our 60th year as a free nation, the ride has brought us to the edge of time’s greatest precipice. And one India – a tiny little voice at the back of the head – is looking down at the bottom of the ravine and hesitating. The other India is looking up at the sky and saying – It’s Time To Fly !!!"

Sunday, November 08, 2009

Julia in the Philippines

Gusto ko sanang sumulat ng isang kwento about Julia Campbell pero wlang lumalabas sa utak ko. Sa hindi nakakaalam, sya yung member ng US Peace Corps na natagpuang patay sa Ifugao noong Abril, 2007. Nakakalungkot isipin na ang taong tumutulong at namamalasakit sa ating mga Pilipino ay sya pang bababuyin at papatayin ng kapwa natin Pilipino. Dahil walang lumalabas ngayon sa utak ko, share ko na lang ang link sa blog nya,Julia in the Philippines http://juliainthephilippines.blogspot.com

Wednesday, October 14, 2009

Waiting in Vain

Naghihintay..

sa iyong ngiti..
sa iyong paghalakhak..
sa iyong pagbisita..
sa iyong mensahe..

Umaasa..

na babalik ka..
na hinahanap mo rin ako..
na muli kang makita..
na makasama ka..



################################

Dapat ba akong maghintay?
Dapat ba akong umasa?

Magparamdam ka naman..

Sunday, October 11, 2009

Rummage

Ikaw na magsisilbing gabay ko upang mas mapaunlad ko pa ang aking sarili.
Ikaw na lilinang sa aking mga natatagong kakayahan.
Ikaw na magiging daan upang maisakatuparan ko ang aking mga mithiin at mga pangarap.
Ikaw na handang umunawa sa aking magulong pag-uugali.
Ikaw na tatanggap sa akin bilang ako hindi sa kung ano ang meron ako.
Ikaw na magpaparamdam sa akin na may halaga ako at kinakailangan mo ako sa buhay mo.
Ikaw na sasamahan akong tumitig sa kalangitan buong magdamag.
Ikaw na makakapalitan ko ng mga kuro-kuro, ideya at kaalaman tungkol sa kung anu-anong mga bagay gaano man ito kalalim o kababaw.
Ikaw na makakakwentuhan ko tungkol sa huling aklat na nabasa ko.
Ikaw na sasamahan akong makinig sa kahit anong klaseng musikang mapag-tripan natin.
Ikaw na makakasama kong tumawa sa mga katangahan ko..natin..ng mga tao sa mundo.
Ikaw na tutugtugan ko ng Violin pagkatapos nating magtalik hanggang sa makatulog ka sa aking kandungan.

Nais na kitang makilala..
Nais na kitang makasama..
Ang nais ko'y dumating ka na..

Saturday, October 10, 2009

For Hero..My First..

Dear Hero,

Biyernes, October 2, isang napakahalagang araw para sa atin. Ngayon ay ipagdiriwang natin ang ating ika-anim na taon.. Isipin mo yun.. ANIM na TAON na tayo? Ganun na tayo katagal..napakarami na nating nalampasan..at madami pang pagdaraanan..

Naalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala? Eh yung araw noong una tayong nagkita? October 2 rin noon, 2003, Huwebes. Sabi mo noon mayg dinalaw ka sa UERM at dahil malapit lang dun ang tinitirahan ko eh niyaya mo na akong magkita. Hero pa ang ginagamit mong nickname noon pero binago mo ito, marahil dahil sumikat noon si Hero Angeles. "Let's meet halfway." Paano ko ba makakalimutan ang line na yun? Yan ang sinabi mo noong unang beses yata yun na nagkakilala, pero dahil gabi na noon at hindi kita ganoon kagusto noon eh hindi kita pinagbigyan kaya hindi na yun natuloy. Maaga ka ngayong nagtext. Gusto mong magkita tayo. Wala na rin akong class noon kaya sige, pumayag ako. Hindi ka familiar sa place kaya tinanong mo ako kung anong sasakyan mo. Sabi ko tumawid ka at sumakay ng jeep at ginawa mo nga. Tumawag ka, sabi mo nasa Cubao ka na at malapit ka nang malowbat . Patay!! Mali! Bakit ka nakarating sa Cubao?? "Sumakay ka ulit ng jeep sa kabila tapos bumaba ka sa Chowking. Doon tayo magkita. Ano bang suot mo?"

Pagkatapos ng mahigit isang oras ay nakita ko ang isang matangkad na naka-orange na T-shirt, spike na buhok at may dalang blue backpack. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng lood na lapitan ka at magpakilala. Nagkasundo tayong umalis na at pumunta sa boarding haouse ko. Konting kwentuhan habang naglalakad.

Maliit lang ang kwarto ko pero cozy naman. Tama lang para sa ating dalawa. Hinubad mo ang iyong sapatos at humingi ka ng alcohol para ilagay sa malaki mong paa pagkatos ay kinuha mo ang isang Hello Chocolate bar sa table ko. Hinalungkat ko ang bag mong blue at tiningnan ang wallet mo pati ang mga laman nito, pati ang Landbank mong ATM Card-- nagtataka kasi ako bakit Landbank, sabi mo yun ang malapit sa inyo sa Nueva Ecija, akala ko kase DOST ka rin. Nahiga ka at hinintay kung ano ang gagawin ko sayo. Dahil nga bago pa lang ako noon ay hindi ko alam ang gagawin..hindi ko alam paano magsisimula. Humiga ako sa tabi mo..niyakap ka..ganoon din ang ginawa mo at nagdampi ang ating mga labi. Naging mabilis ang pangyayari, pakiramdam ko noon ay parang gusto mong magdalang-tao ang aking mukha. Tapos hiniling mo kung pwede. Nagaalangan pa ako noon..natatakot.. ito ang magiging unang beses ko. Ngunit bumigay rin ako dahil sa iyong panunuyo. Hindi ko alam kung paanong posisyon ang gagawin..sobrang sakit kasi, pero napapawi ito ng iyong mga halik..ng iyong mahigpit na yakap na nagbibigay ng kasiguraduhan. Halos alas-dose na ng umaga ka na umuwi noon. Hinatid pa nga kita sa sakayan kahit na hindi ako makalakad ng maayos.

Simula noong gabing iyon ay minahal na kita. Lalo pa itong pinalalim ng pagiging sentimental ko..ikaw ang aking una.. Alam mo bang ikaw ang LAHAT ng gusto ko na hindi ako? Ikaw ang sumisimbolo sa aking mga pangarap. Ikaw ang aking pamantayan ng tagumpay. Ikaw ang inspirasyon ko sa pagsusuumikap..dahil gusto kitang maabot.. Ikaw rin ang nagpakilala sakin kay Michael Buble..kaya eto..baliw na rin ako sa mga kanta nya.. Maraming beses mo na akong sinaktan pero nanatili pa rin ako, nagmamahal, Alam kong kahangalan ang ginagawa ko pero ito ang pinili ko dahil sa iyo..para sa iyo..

Anim na taon na tayo..
..sa aking paraiso..sa aking pantasya. Doon ay nanatili pa rin ang ating komunikasyon pagkatapos ng gabing ibinigay ko sa'yo ang lahat. Doon ay hindi mo ako iniwasan noong nagkasalubong tayo sa AS bagkus ay masaya tayong tumambay at nagkwentuhan sa AS steps. Doon ay magkasama tayong nagreview sa Jollibee sa Philcoa kapag malapit na ang mid-terms at finals. Doon ay magkasama tayong lumipat sa Molave noong nasunog/sinuog ang Narra. Doon ay sabay nating binubuo ang ating mga pangarap. Doon ang magkasama tayong naglalakbay sa mga magagandang lugar. Doon ay hindi ako mag-isang nagmamahal dahil doon ay iniibig at minamahal natin ng lubos ang isa't-isa..

Anim na taon na tayo..

##############################################################

Nais ko nang makalis at makawala sa aking paraisong bilangguan..
Tulungan mo akong tulungan ang aking sarili na palayain sa ang huwad na paraisong ito..

Friday, June 12, 2009

Preparing for the Upturn

Last Monday, April 27, ginanap ang 96th General Membership Meeting ng Semiconductor and Electronics Industries of the Philippines, Inc. (SEIPI) sa Manila Polo Club sa Makati. Ito ay dinaluhan ng lahat ng mga matataas na opisyal (Presidente, Managing Director/MD, CEO) ng bawat kasaping kompanya. Kasama na sa mga inimbitahang panauhin ang Secretary ng DOLE (nirepresent ni Usec. Rosalinda D. Baldoz), Augusto “Boboy” Syjuco, Director, TESDA, at Prof. Boy dela Pena, Usec, Department of Science and Technology (nirepresent ni Dr. Ester B. Ogena, Director, DOST-Science Education Institute, with Alicia Asuncion, Head, Scholarship Division). Usually, sa Baguio Country Club ito ginaganap subalit ngayong taon na ito ay sa Manila Polo Club na lamang dahil nga sa dinaranas na krisis ng semicon industry. Dahil busy noong araw na iyon ang MD namin pati na ang manager ko, kung kaya’t ako ang ipadala upang kumatawan sa aming kumpanya. Noong una ay naiinis ako dahil hindi gusto ang “suggested” na attire: polo barong (short sleeves) at khaki pants (???????). Wala akong magagawa kundi sumunod, wala ako ng mga ito kaya kinailgangan ko pa tuloy bumili.

Ang tema ng pagpupulong para sa taong ito ay “Preparing for the Upturn.” Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pinagdadaanang krisis ng buong mundo kung saan lubusang naapektuhan ang semiconductor industry, at sa tantya ng mga eksperto ay tatagal pa ito hanggang sa susunod na dalawa o higit pang taon. Ipinakita sa presentasyon ni Mr. Arthur Young, Chairman ng SEIPI, ang malaking pagbagsak ng export ng Pilipinas, malaking bahagdan nito ay galing sa semiconductor companies at makikita mong napakaliit lamang ang galing sa textile, food, etc. Isa-isa ring nagsalita ang mga miyembro ng Board of Directors at Presidente/CEO mula sa Intel, Analog Devices, Amkor, IMI, ST Microsystem, Ionics, ON Semiconductor, Temic Automotive, etc. upang magbigay ng kaunting background tungkol sa performance ng kani-kanilang konpanya. Nagbigay rin ng talumpati ng mga kinatawan galing sa DOLE, TESDA at DOST na nakafocus sa mga hakbang ng ginagawa ng pamahalaan upang makatulong sa mga nawalan ng trabaho sa loob at labas ng ating bansa. Isa sa mga proyektong ito ang scholarship program ng TESDA, kasama ang SEIPI at Advanced Research and Competency Development institute (ARCDI), kung saan maglalaaan ng sampung milyong piso (lamang) Si Gloria upang linangin ang kasanayan ng mga engineers, technicians, operators sa iba’t-ibang larangan. Kabilang ang aming kumpanya sa mga tumutulong sa proyektong ito sa pamamagitan ng pagpo-provide ng eksperto mula sa Germany na siyang magtuturo at pagpapahiram ng mga test equipment na kakailanganin sa hands-on training.

Kasama ko sa table ang isa mga mga Partners ng PriceWaterhouseCoopers (PWC), ang nangungunang auditing firm sa buong mundo, kasama ko syang tinatawanan si Boboy Syjuco (TESDA) habang nagtatalumpati na tila isang pulitikong nangangampanya at kung anu-anong ipinapangako. Pagkatapos ng meeting ay nagkaroon ng cocktail party kung saan ay nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang mga presidente/CEO ng iba’t-ibang kumpanya. In-accost ko rin si Dr. Ogena at Ms. Asuncion (DOST-SEI) at nagpakilalang isa sa mga naging DOST Scholars, nasiyahan naman sila at proud na ang isa mga scholars nila nakasama nila sa isang event na katulad nito.

Hindi ko man gusto ang attire, gusto ko naman ang crowd..tsaka nung magkakasama na mukhang maayos namang tingnan ang polo barong at khaki pants. Hahaha. Nakakatuwang isipin na isa ako ang pinakabata sa lahat ng dumalo. Sa pamamagitan ng mga events na katulad nito ay nagkakaroon ako ng opportunity na makasama ang mga leaders, matuto mula sa kanila, nagkakaroon ako ng pagkakataon na mai-apply ang mga pinagaaralan tungkol sa kung paano tamang pagkilos sa mga formal na events, etc. at higit sa lahat isa ito sa daan para mai-prepare ko ang aking sarili para sa upturn ng buhay ko.

Next stop: General Membership Meeting ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP)