KUNDIMAN
Salin ng tulang Poema XX ni Pablo Neruda
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Maisusulat halimbawa: "Ang gabi’y mabituin
at nanginginig, bughaw ang mga tala sa dako pa roon.
Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit.
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Siya’y inibig ko, at minsan ako’y inibig din nya.
Sa mga gabing tulad nito’y niyayakap ko siyang mahigpit.
At hinahagkan sa lilim ng walang hanggang langit.
Ako’y inibig nya, minsan sya’y inibig ko rin.
Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam?
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi
Isipin lang: Hindi ko sya kapiling. Nawala sya sa akin.
Dinggin ang gabing malawak, mas malawak pagka’t wala sya.
At ang tula’y pumapatak sa diwa, tila hamog sa parang.
Ano ngayon kung di sya mapangalagaan ng aking pag-ibig?
Ang gabi’y mabituin at siya’y hindi ko kapiling.
Iyon lamang. Sa malayo, may umaawit. Sa malayo.
Diwa ko’y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala.
Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya.
Puso’y naghahanap sa kanya, at siya’y hindi ko kapiling.
Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy.
Tayo na nagmula sa panahong iyon ay di na tulad ng dati.
Hindi ko na sya iniibig, oo, pero inibig ko syang lubos.
Tinig ko’y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig.
Sa iba. Siya’y sa iba na. Tulad ng dati kong halik.
Tinig, maningning na katawan. Mga matang walang hanggan.
Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko sya.
Napakaikli ng pag-ibig at napakahaba ng paglimot.
Pagka’t sa mga gabing tulad nito’y niyayakap ko syang mahigpit,
Diwa ko’y di mapalagay sa kanyang pagkawala.
Ito na marahil ang huling hapding ipadarama nya sa akin,
At ito na rin marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya.
Spanish:
Puedo escribir los versos más tristes esta noche.
Escribir, por ejemplo: "La noche esta estrellada,
y tiritan, azules, los astros, a lo lejos".
El viento de la noche gira en el cielo y canta.
Puedo escribir los versos más tristes esta noche.
Yo la quise, y a veces ella también me quiso.
En las noches como ésta la tuve entre mis brazos.
La besé tantas veces bajo el cielo infinito.
Ella me quiso, a veces yo también la quería.
Cómo no haber amado sus grandes ojos fijos.
Puedo escribir los versos más tristes esta noche.
Pensar que no la tengo. Sentir que la he perdido.
Oír la noche inmensa, más inmensa sin ella.
Y el verso cae al alma como al pasto el rocío.
Qué importa que mi amor no pudiera guardarla.
La noche está estrellada y ella no está conmigo.
Eso es todo. A lo lejos alguien canta. A lo lejos.
Mi alma no se contenta con haberla perdido.
Como para acercarla mi mirada la busca.
Mi corazón la busca, y ella no está conmigo.
La misma noche que hace blanquear los mismos árboles.
Nosotros, los de entonces, ya no somos los mismos.
Ya no la quiero, es cierto, pero cuánto la quise.
Mi voz buscaba el viento para tocar su oído.
De otro. Será de otro. Como antes de mis besos.
Su voz, su cuerpo claro. Sus ojos infinitos.
Ya no la quiero, es cierto, pero tal vez la quiero.
Es tan corto el amor, y es tan largo el olvido.
Porque en noches como ésta la tuve entre mis brazos,
mi alma no se contenta con haberla perdido.
Aunque éste sea el último dolor que ella me causa,
y éstos sean los últimos versos que yo le escribo
Saturday, November 29, 2008
Pag-aalay
Nakatayo sa pedestal ng kamangmangan.
Tumingala. Ibinuka ang mg kamay upang mayakap ang katanyagan mong taglay
Ang nais ko ay mapabilang sa mga pilosopo’t pantas mong pinanday
Ngunit ang talento’t kakayahan ko ay kulang..
#############################################
Tila isa akong hunghang na hanggang paghanga na lamang
Hinding-hindi nya ako papandayin tulad ng mga anak nyang pilosopo’t pantas
Hindi para sakin ang mga pakpak nyang anyong lilipad nang napakatayog sa kalangitan
Lalong hindi para sakin ang nakabuka nyang mga bisig na animo’y yayakapin at aarugain ka’t ililigtas mula sa kamangmangan
##############################################
Isinulat noong ika-18 ng Nobyembre 2005, 11:08 NG
Tungkol sa aking pangarap..isang bigong pangarap.. ilang taon na rin ang lumipas ngunit ang epekto nito sa aking buong buhay at pagkatao ay malinaw pa ring makikita.. Sariwa pa rin ang sugat ng kabiguan. Marahil mahina lang talaga ako. Hinayaan kong unti-unting gumuho ang aking mga pangarap..

Subscribe to:
Posts (Atom)