Nakatayo sa pedestal ng kamangmangan.
Tumingala. Ibinuka ang mg kamay upang mayakap ang katanyagan mong taglay
Ang nais ko ay mapabilang sa mga pilosopo’t pantas mong pinanday
Ngunit ang talento’t kakayahan ko ay kulang..
#############################################
Tila isa akong hunghang na hanggang paghanga na lamang
Hinding-hindi nya ako papandayin tulad ng mga anak nyang pilosopo’t pantas
Hindi para sakin ang mga pakpak nyang anyong lilipad nang napakatayog sa kalangitan
Lalong hindi para sakin ang nakabuka nyang mga bisig na animo’y yayakapin at aarugain ka’t ililigtas mula sa kamangmangan
##############################################
Isinulat noong ika-18 ng Nobyembre 2005, 11:08 NG
Tungkol sa aking pangarap..isang bigong pangarap.. ilang taon na rin ang lumipas ngunit ang epekto nito sa aking buong buhay at pagkatao ay malinaw pa ring makikita.. Sariwa pa rin ang sugat ng kabiguan. Marahil mahina lang talaga ako. Hinayaan kong unti-unting gumuho ang aking mga pangarap..
Saturday, November 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment