Bumalik na ulit ang tatay ko mula sa Gitnang Silangan at dahil dun ay hindi na ako uuwi sa aming probinsya. Ayoko syang makita. Punong-puno ako ng galit sa hayop na iyon! Napakalalim na psychological trauma ang pinagdaanan ko noong high school pa ako. Pananakit, mura, sigaw, ang lahat ng iyon ay ay nagpaikot-ikot sa utak ko. Napakasaya ko nga noong nag-kolehiyo ako dahil akala ko ay makakalaya na ako subalit ang lahat ng iyon ay nagpapabalik-balik sa aking pagtulog. Ginigising ako ng kanyang nakahihilakbot nyang sigaw at nararamdaman ko ang paghampas ng kamay at belt nya sa aking balat. Pawisan at takot na takot ako noon at kahit pilitin ko pang matulog ay hindi ko magawa.
Sana namatay na lamang sya para kahon na lamang sya noong nakauwi.
Thursday, March 31, 2011
Casual Miguelito
Isang mainit na pagtatalik, sundo't hatid mula Makati papuntang BGC pabalik sa Makati.
Kamukha nya ang crush kong si Lukayo.
Gusto ko sana siya kaso iba ang hanap nya.
Kakagaling lang nya sa limang taong relasyon at gusto nyang maglaro muna.
Sayang, nasa kanya pa naman ang karamihan sa hinahanap ko.

Friday, March 18, 2011
Serpent Herder
"A teacher who can arouse a feeling for one single good action, for one single good poem, accomplishes more than he who fills our memory with rows and rows of natural objects, classified with name and form." -- Johann Wolfgang von Goethe
#######################################
Iyon ang huling requirement na kailangan naming maipasa para sa subject na Biology. Ilang buwan rin ang aming inilaan upang matapos ang aming pagsasaliksik tungkol sa paksang aming napili. -- Snakes. Typewriter pa lamang ang gamit namin noon. Mahal ang renta sa computer at lalong mas mahal ang ink ng printer. Nagalit pa nga ang ibang teacher dahil sa hindi pagpasok ng buong klase sa mga panghapong asignatura para tapusin ang proyekto ng bawat grupo.
"Most of the snakes will attack only when they feel threatened"
Noong mapaglarong araw na iyon ay ako ang naging ahas na tumuklaw sa aking guro. Hindi ko nakita ang malinis nyang hangarin na ako'y turuan. Inakala kong nais nya lamang akong saktan at pahirapan kaya umiral ang pagiging ahas ko -- hindi ko ugali ang sumalag, ako ang sumasalakay.
Hindi ko na sya nakausap matapos ang araw na iyon. Sinira ko ang isang magandang samahan. Ilang araw matapos yun ay saka ko pa lamang napagtanto kung ano ang nawala sa akin.
Pagkatapos ng halos dalawang taon ay bumalik ang lahat sa akin, iyon pinakamalaking kabiguan ko sa buhay. Pakiramdam ko'y lalo ko syang ibinagsak, kung nakasama ko lang sana sya noong panahong iyon marahil ay iba ang kinalabasan ng lahat.
Sinubukan ko syang hanapin. Gusto ko syang puntahan noong nalaman kong doon na sya nagtuturo, gusto ko syang padalhan ng bulaklak pero nag-alangan ako.
Pagkatapos ng maraming taon ay muli ko syang nakita. In-add nya ako pero in-approve ko na lang pagkatapos ng ilang araw. Inakala ko kasi na hindi na nya ako naaalala. Maaga akong pumasok noong araw na iyon. Pagkatapos magcheck ng e-mails ay naglog-in na ako sa Facebook. "Hi" Dito nagsimula at sa loob ng dalawang oras ay tuloy-tuloy ang paglabas ng mga katagang matagal ko nang nais sambitin, ang paghingi ng tawad, ang mga kwento ng kalungkutan at kabiguan, ang nakaraan, ang bukas. Ang lahat ng ito ay malaya kong nasabi nang walang pag-aalinlangan o takot na ako'y mahusgahan.
"It's easy for you to say those things because you know deep inside that I'm your long lost friend"
Mahigit sampong taon na ang lumipas. Mas mahihirap at mas masasakit pa ang aking mga pinagdaanan pagkatapos ng presentation namin sa Biology. Subalit ang aral na itinuro sa akin ng araw na iyon tungkol sa buhay ay ang naging matatag na pundasyon ko upang malampasan ang lahat ng mga hinarap kong pagsubok at masimulan ang isang bago at tunay na pagkakaibigan. Nakakalungkot isipin na kinailangan pang masira ang isang magandang samahan upang ang mga ito ay aking matutunan. Hindi ko naabot ang isang bagay gusto ko sanang maipagmalaki nya sa akin pero alam ko na sa aking munting paraan ay maipagmamalaki nyang ako ay minsan niyang tinuruan. Mahigit sampong taon na ang lumipas. Ilang daang milya na ang layo namin sa isa't-isa pero alam ko balang araw ay magkikita kaming muli. At habang naghihintay ako sa araw na iyon ay dito ko muna masayang ikukwento ang mga
nangyayari sa aking buhay.
##################################################
Putang Ina hindi na ako naaalala ng paborito kong titser noong high school..hindi nya alam na mas masaya pa ako kapag nakakuha ako ng 81 sa mga pagsusulit na ibinibigay nya kahit na sa ibang subject ay nakakuha ako ng 95..hindi nya alam na talagang nagpuyat ako para lamang maunawaan ang meiosis at mitosis, kung paano ko sinikap na intindihin at saulohin ang proseso ng light reaction, ang produksyon ng adenosine triphosphate at nicotinamide adenine dinucleotide phosphate dahil gusto kong makakuha ng 85 para matuwa sya sakin..hindi nya rin alam kung gaano kalaki ang impluwensya nya sa pagtingin ko sa buhay pagkatapos ng mga kwentuhan namin.. at hindi nya alam na hanggang ngayon ay dinadala ko pa rin ang galit sa sarili ko dahil sa lahat ng mga pinagsasaabi at ginawa kong lubhang nakasakit sa kanyang damdamin..
Napakatagal ko syang hinanap..at ngayong natagpuan ko na sya ay ganito naman..?
**84.74 pala ang nakuha kong final Grade sa Biology at kapag iniround-off yun, 85 na rin yun..

Maligayang Kaarawan Ma'am Suarez!!
Kulang na kulang ang mga salita upang ang aking kasiyahan ay mailarawan pero sana'y ang munting alay ay iyong maibigan..
Wednesday, August 4, 2010

Subscribe to:
Posts (Atom)